Nasa ibaba ang listahan ng Mga Telemetry Alert mula sa Starlink Device mo na posibleng makita sa Dashboard mo at mga iminumungkahing aksyon kung paano posibleng lutasin ang isyu. Nati-trigger ang mga alertong ito kapag natugunan ang partikular na kondisyon nang kahit isang beses sa nakaraang 15 segund. Magpapatuloy ito hanggang active ang mga ito.
ETHERNET SLOW 10 MBPS
Kahulugan: Naka-auto negotiate sa 10 Mbps ang ethernet link. Dapat mag-auto negotiate ang Starlink device sa 1000 Mbps. Baka may isyu sa cable o sa koneksyon.
Iminumungkahing Aksyon: Tiyaking naka-configure ang client device port sa 1000 Mbps auto-negotiation.
ETHERNET SLOW 100 MBPS
Kahulugan: Naka-auto negotiate sa 100 Mbps ang ethernet link. Dapat mag-auto negotiate ang Starlink device sa 1000 Mbps. Baka may isyu sa cable o sa koneksyon.
Iminungkahing Aksyon: Tiyaking naka-configure ang client device port sa 1000 Mbps auto-negotiation.
POWER SUPPLY THERMAL THROTTLING
Kahulugan: Lumalampas ang power supply sa upper thermal threshold nito para sa kaligtasan. Bilang resulta, pinipigilan ng Starlink ang sarili nito para mabawasan ang pagkuha ng power nito at payagang magpalamig ang power brick.
Iminumungkahing Aksyon: Pisikal na tingnan kung naka-install ang power supply ng Starlink sa isang lokasyong may maayos na daloy ng hangin at hindi naka-expose sa mga external na pinagmumulan ng init (hal. malapit ito sa exhaust vent).
ACTUATOR MOTOR STUCK
Kahulugan: Para sa mga actuated Starlink device, naipit ang actuator motor at hindi ma-align ang antenna ng Starlink sa tamang anggulo. Puwede itong magdulot ng nabawasang performance, o baka hindi makakonekta ang Starlink sa network kung masyadong malayo ang pagkakiling nito kumpara sa nominal.
Iminumungkahing Aksyon: Pisikal na tiyaking walang debris na naipit sa Starlink na pumipigil ditong mag-actuate. Kung walang nakikitang dahilan ng pagkaipit, magsumite ng ticket sa Statrlink Support para sa karagdagang tulong.
MAST NOT VERTICAL
Kahulugan: Para sa mga actuated na Starlink device, hindi na-align ng alignment system ng Starlink ang antenna nito sa tamang anggulo dahil mas malaki ang mast kaysa sa 30 degrees mula sa vertical. Puwede itong magdulot ng hindi magandang performance, o baka hindi makakonekta ang Starlink device sa network maliban kung maitama ito.
Iminumungkahing Aksyon: Pisikal na tingnan na naka-vertical ang terminal mast ng Starllink, at mahigpit na naka-install ang terminal mount. Kung kinakailangan, i-adjust ang mount para maging naka-vertical ang mast.
UNABLETOALIGN
Kahulugan: Naka-install ang Starlink device sa isang lokasyon na hindi makapag-align ng antenna sa gustong anggulo. Puwede itong magdulot ng hindi magandang performance, o baka hindi makakonekta ang Starlink device sa network maliban kung maitama ito.
Iminumungkahing Aksyon: -Kung may actuator motor ang Starlink device, pisikal na suriin ang pagka-install nito para matiyak na gumagana nang tama ang motor. I-stow at i-unstow ang Starlink mula sa mobile app nito.
POWER DISCONNECT DETECTED
Kahulugan: Iuulat ng Starlink ang report na ito kapag nagre-recover mula sa isang hindi inaasahang pagkawala ng kuryente.
Iminumungkahing Aksyon: Kung nagpatuloy ang pag-alerto, tingnan ang power source hanggang power supply at tingnan ang mga koneksyon ng cable sa power supply at terminal.
THERMAL SHUTDOWN
Kahulugan: Naabot na ng Starlink device ang maximum na threshold ng temperatura at itinigil ang serbisyo para magpalamig. Magpapatuloy ang serbisyo kapag naabot na ng Starlink device ang nominal na temperatura sa paggana. Idinisenyo ang mga Starlink device para nominal na gumana kapag mababa sa 50 degrees Celcius ang ambient na temperatura.
Iminumungkahing Aksyon: (Sa mga pambihirang sitwasyon, magre-reboot ang Starlink para maka-recover.) Pisikal na suriin kung naka-install ang Starlink device sa isang lokasyong may maayos na daloy ng hangin at hindi naka-expose sa mga external na pinagmumulan ng init, hal. malapit ito sa exhaust vent.
THERMAL THROTTLE
Kahulugan: Naabot na ng Starlink device ang threshold sa mataas na temperatura at pinababa ang performance para magpalamig. Gaganda ang performance kapag naabot na ng Starlink device ang nomonal na temperatura sa paggana. Idinisenyo ang mga Starlink device para nominal na gumana kapag mababa sa 50 degrees Celcius ang ambient na temperatura.
Iminumungkahing Aksyon: Pisikal na suriin kung naka-install ang Starlink device sa isang lokasyong may maayos na daloy ng hangin at hindi naka-expose sa mga external na pinagmumulan ng init, hal. malapit ito sa exhaust vent.
DISABLED NO ACTIVE SERVICE LINE
Kahulugan: Hindi active o nakansela na ang account o linya ng serbisyong nauugnay sa Starlink device.
Iminumungkahing Aksyon: Tingnan kung active ang linya ng serbisyo at kung may magandang standing ang account. Tiyaking naka-setup ang mga detalye ng pagbabayad at wala itong hindi nabayarang invoice na naging sanhi ng pagka-disable ng serbisyo.
DISABLED TOO FAR FROM SERVICE ADDRESS
Kahulugan: Masyadong lumayo ang Starlink device mula sa lokasyon ng serbisyo sa account.
Iminumungkahing Aksyon: I-update ang service address para magpatuloy ang serbisyo.
DISABLED NO SERVICE IN OCEAN
Kahulugan: Lumipat sa ocean coverage ang Starlink device at walang available na mobile priority data.
Iminumungkahing Aksyon: I-update ang mga service plan sa Mobile Priority plan na may karagdagang data, o mag-opt in sa Mobile Priority Data kung nasa mobile plan ka at lumampas ka na sa limitasyon nito.
DISABLED UNSUPPORTED COUNTRY
Kahulugan: Lumipat ang Starlink device sa isang bansa kung saan hindi pa naka-enable ang Starlink o limitado lang sa isang partikular na rehiyon ang service plan.
Iminumungkahing Aksyon: Kung naka-enable ang coverage ng Starlink, mag-upgrade sa isang Mobile Global o Mobile Priority Service plan. O mag-opt in sa Mobile Priority Data.
POP CHANGE
Kahulugan: Nagbago ang point of presence (PoP) ng Starlink at bilang resulta, magkakaroon ang Starlink ng bagong nakatalagang IP address para sa rehiyong iyon.
Iminumungkahing Aksyon: Baka kailangan mong i-reboot ang Starlink o third-party equipment mo para makapag-online ulit. Kapag nagpatuloy ang alerto at naapektuhan ang performance sa loob ng mahigit sa 30 minuto, makipag-ugnayan sa Starlink Support para sa karagdagang tulong.
DISABLED MOVING WHILE NOT MOBILE
Kahulugan: Gumagalaw ang Starlink device nang mas mabilis sa 10 MPH (4.4 meters kada segundo) at naka-disable ang serbisyo.
Iminumungkahing Aksyon: I-update ang service plan Mobile Priority service plan. O mag-opt in sa Mobile Priority Data.
DISABLED MOVING TOO FAST
Kahulugan: Gumagalaw ng Starlink device nang mas mabilis kaysa sa pinapayagan ng naka-configure na patakaran at naka-disable ang serbisyo.
Iminumungkahing Aksyon: I-update ang plano ng serbisyo sa isa na sumusuporta sa mas mabibilis na koneksyon.
HIGH TIME OBSTRUCTION
Kahulugan: May natukoy ang Starlink device na mataas na porsyento ng oras kung kailan hindi makakonekta ang Starlink device sa isang satellite. Ang high time obstruction alert ay isang indicator ng panahon kung kailan hindi makakonekta ang Starlink at na-drop ang koneksyon. Magse-set ang alertong ito kung nahaharangan ang field of view ng Starlink sa loob ng 0.27% ng oras.
Iminumungkahing Aksyon: Tiyaking nasa hindi nahaharangang lokasyon ang Starlink sa lahat ng direksyon.
SOFTWARE UPDATE REBOOT PENDING
Kahulugan: Nag-download ng update ng software ang Starlink device at nakaiskedyul itong mag-reboot nang 3 AM sa lokal na oras +/- 30 minuto. Nakabatay ang lokal na oras sa kasalukuyang pisikal na lokasyon ng Starlink hardware. Pagkatapos ma-trigger ang alertong ito, ia-update din ng manual na pag-reboot ang software kung makakasagabal ang nakaiskedyul na oras.
Iminumungkahing Aksyon: Kung gusto mong gawin sa ibang pagkakataon ang pag-update ng software, puwede kang manual na mag-reboot gamit ang dashboard o app para ilapat ang update sa oras na gusto mo.
SANDBOX DISABLED
Kahulugan: Naka-configure ang Starlink router nang may sandbox domain allow list, pero may naka-disable na sandboxing functionality. Hindi na nililimitahan sa sandbox domain allow list ang mga naka-sandbox na client at mayroon nang ganap na access sa internet. Tingnan ang documentation para sa mga sitwasyong nagdudulot ng alertong ito.
Iminumungkahing Aksyon: Makakabalik ang router mula sa status na ito kapag nag-reboot. Maghintay na mag-reboot ang router, o manual na mag-trigger ng reboot.
Mga Kaugnay na Paksa:
Hindi makita ang hinahanap mo? Makipag-ugnayan sa Support.