Puwede mong i-activate ang Starlink mo kung:
Bumili ka ng kit sa isang retailer o third party. Nakabili na ng Starlink sa isang retailer? I-activate ito ngayon sa pamamagitan ng starlink.com/activate.
Nag-a-activate ng naka-unlock na kit para sa pag-transfer ng serbisyo.
Puwede mong tingnan ang availability ng serbisyo sa address mo gamit ang aming availability map. Kung nasa capacity ang lugar kung saan mo sinusubukang mag-activate, puwede kang mag-deposit habang umoorder. Para sa iba pang detalye tungkol sa deposit charge ng Starlink Kit, i-click ito.
Mahalagang paalala: Pakitiyak na ang bansang ipinapakita sa website ng Starlink ay kapareho ng bansang ginagamit mo para irehistro ang account mo. Kung hindi tumutugma ang mga bansa, posibleng hindi ma-activate nang tama ang kit mo.
Hindi puwedeng i-activate ang mga Standard plan at Priority plan sa mga lugar na may limitadong capacity. Puwede mong tingnan ang availability map ng serbisyo ng Starlink sa starlink.com/map. Kung walang capacity sa lugar, magkakaroon ng opsyon na mag-activate gamit ang Roam service plan. Tandaan, hindi mo magagawang lumipat sa Standard service plan o Priority service plan mula sa Roam service plan hanggang sa magkaroon ng capacity sa inyong lugar.
Hindi sinusuportahan ang pag-activate ng Standard service plan o Roam service plan sa isang existing Business type account.
Hindi sinusuportahan ang pag-activate ng Starlink para gamitin sa bansa na iba sa bansa kung saan nag-sign up ng orihinal na account.
Hindi ia-activate ang serbisyo para sa mga Starlink na kasalukuyang nakatalaga sa isang existing account.
Kung hindi available ang service plan, siguraduhing piliin ang kasalukuyan mong bansa sa pagpipilian ng bansa.
Sa ngayon, hindi makakapagdagdag ng mahigit sa isang linya ng serbisyo kada account ang mga account sa Brazil at Nigeria.
Malawi at Nigeria: Nakatuon kami sa pagbibigay ng high-speed internet sa Malawi at Nigeria at mahigpit na nakikipagtulungan sa mga regulator para gumawa ng mga adjustment na magpapaganda pa sa karanasan ng customer. Hanggang sa maaprubahan ang mga pagbabagong ito, naka-hold kami sa mga bagong Residential order. Mag-deposit ngayon para magpa-reserve ng Starlink mo at makakatanggap ka ng abiso kapag hindi na naka-hold ang mga order.
Tandaan Kapag Bumibili ng Retail: Kapag bumili ka ng bagong retail kit, makakatanggap ka ng isang oras na internet access sa unang beses na i-plug mo ang Starlink mo. Pinapayagan ka nitong i-activate ang serbisyo sa iyo at kumpletuhin ang proseso ng pag-sign up kahit wala ka pang existing na internet connection. Kapag naubos mo na ang isang oras na access, puwede mong i-activate ang Starlink mo gamit ang isang pang internet source at pagsunod sa mga hakbang sa pag-activate na nakalista sa ibaba.
Para i-activate ang Starlink Kit mo, sundin ang mga hakbang na ito:
(Halimbawa ng isang Starlink Identifier na makikita sa Starlink app kapag nag-log in ka sa account mo.)

Kung hindi ka pa customer ng Starlink: Umorder Na.
Makakuha ng mga email update ng Starlink dito.
Mga Inirerekomendang Paksa:
Hindi makita ang hinahanap mo? Makipag-ugnayan sa Support.