Ano ang Local Priority service plan at Global Priority service plan?
Ang mga priority plan ay mga elevated offering na idinisenyo para sa mga negosyo at high-demand user. May dalawang Priority plan - Local Priority at Global Priority. Kasama sa dalawang plan ang:
- Priority network access
- Public IP
- Telemetry Dashboard
- Priority support
Binibigyan ka ng mga Priority plan ng flexibility para tugunan ang mga pangangailangan mo sa data. Pumili ka mula sa isa sa mga preset plan namin at i-adjust ito ayon sa mga pangangailangan mo sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga data block sa increment na 50GB o 500GB (paano pamahalaan ang data mo sa mga Priority plan). Detalyadong mga paglalarawan para sa bawat plan sa ibaba:
Local Priority Plan:
- Priority at high-speed na serbisyo para sa mga negosyo at iba pang high-demand user para gamitin sa loob ng isang bansa.
- Inilaan ang mga Local Priority plan para sa coverage sa kalupaan (kasama ang mga lawa at ilog) lang; hindi para gamitin sa iba't ibang panig ng mundo o sa karagatan (Hindi pinapayagan ang coverage sa dalampasigan at paggamit sa teritoryal na katubigan).
- Puwedeng gamitin ang mga serbisyo (i) sa loob ng bansa, o (ii) hanggang 60 magkakasunod na araw sa loob ng rehiyon mo sa isang lokasyon sa labas ng bansa ng service address mo. Tingnan ang Mga FAQ ng Starlink para sa mapa na nagpapakita ng mga bansa ayon sa rehiyon.
- Paggamit habang bumibiyahe
- Nag-iiba-iba ang mga presyo ng Mga Data Block na mabibili sa ilalim ng Local Priority Plan depende sa lokasyon.
- 1 Starlink terminal kada linya ng serbisyo.
Global Priority Plan:
- Priority at high-speed na serbisyo para sa mga negosyo at iba pang high-demand user (tulad ng Maritime) para gamitin habang nasa biyahe kahit saan na available ang Starlink.
- Inilaan ang mga Global Priority service plan para sa coverage sa iba't ibang panig ng mundo at karagatan.
- Paggamit habang bumibiyahe
- Hindi mag-iiba-iba at magiging magkakapareho ang presyo ng mga Data Block na binili sa ilalim ng Global Priority Plan sa iba't ibang panig ng mundo.
- Hanggang maximum na dalawang Starlink terminal kada linya ng serbisyo ang pwedeng gamitin, basta't pinapatakbo ang mga ito sa iisang sasakyan, sasakyang pandagat, o gusali. Kinakailangan ang tulong mula sa Starlink Support—magsumite ng support ticket.
MGA KARAGDAGANG FAQ SA PRIORITY PLAN:
Magkakaiba ba ang mga presyo ng mga bagong plan sa iba't ibang panig ng mundo?
- Oo. Nag-iiba-iba ang mga Local Priority plan depende sa bansa. Magkakaroon ng magkakaparehong presyo ang mga Global Priority plan sa iba't ibang panig ng mundo.
Mananatili ba ang kasalukuyang plan ko?
- Hindi. Magta-transition ang lahat ng Priority plan at Mobile Priority plan sa bagong structure gamit ang parehong data level, simula sa April 2025 (makakatanggap ng email ang lahat ng customer ng Starlink na nasa mga plan na ito na naglalaman ng impormasyon kaugnay ng transition). Halimbawa, nai-transition ang mga existing 1TB plan sa bagong structure na may 1TB na data. Puwedeng i-optimize ng mga customer ang dami ng data sa kani-kanilang linya ng serbisyo kapag kailangan ng transition.
Paano ko papalitan ang mga service plan?
starlink.com:
- Mag-log in sa account mo sa starlink.com
- Sa ilalim ng "Subscription", pindutin ang "Pamahalaan" sa ilalim ng kahon na "Service Plan", pagkatapos ay i-click ang "Palitan ang Plan"
- Piliin ang gusto mong service plan. Sa pagpapalit ng service plan, tinatanggap mo ang mga tuntunin at kondisyon ng bagong service plan.
Starlink App:
- Mag-log in sa Starlink account mo sa Starlink app
- Pindutin ang icon na 'Tao'
- Pindutin ang gustong serbisyo ng Starlink mula sa pahalang na listahan
- Pindutin ang "Pamahalaan ang Subscription"
- Pindutin ang "Palitan ang Service Plan"
- Piliin ang gusto mong service plan. Sa pagpapalit ng service plan, tinatanggap mo ang mga tuntunin at kondisyon ng bagong service plan.
Para sa karagdagang impormasyon kung paano palitan ang service plan, pumunta sa FAQ na ito.
Puwede ba akong bumili ng Roam Unlimited sa halip na Local Priority plan at Global Priroty plan?
- Hindi. Limitado sa mga Priority service plan ang mga business customer at enterprise customer. Idinisenyo ang mga produkto ng Residential service at Roam service para sa mga consumer.
** Mayroon akong Business/Enterprise account na may mga Priority plan, pero gusto kong lumipat sa Residential/Roam service plan. Ano ang dapat kong gawin?**
- Kapag lumipat ka sa isang Residential/Roam service plan, kakailanganin mong kumpletuhin ang pag-transfer ng serbisyo sa isang Residential account. Para makumleto ng pag-transfer ng serbisyo, sundin ang mga hakbang na nakalista sa FAQ na ito. Tandaan, hindi pinapayagan ang mga pag-transfer nang hanggang 120 araw pagkatapos ng pagbili o 90 araw pagkatapos ng pag-activate, alinman ang mauna).
- Puwede ka ring makipag-ugnayan sa Starlink Support para tingnan kung matutulungan ka ng support team na palitan ang uri ng account mo mula Business at gawing Residential gaya ng ginagawa nila sa mga piling bansa.
Puwede ba akong mag-set up ng linya ng serbisyo gamit lang ang terminal access fee kung wala akong inaasahang masyadong malaking data usage?
- Hindi, kailangang may umuulit na data na kasama sa linya ng serbisyo ang bawat linya ng serbisyo.
Naka-default ba ang mga linya ng serbisyo na mag-opt in sa karagdagang Priority data kapag naubos na ang umuulit na Priority data?
- Oo, default na naka-opt in ang mga priority plan para sa karagdagang 50GB Top-Up kapag naubos nila ang binili nilang priority data sa loob ng billing cycle.
Aabisuhan ba ako tungkol sa kung gaano karaming data ang nakonsumo ko para sa billing period?
- Oo, hangga't naka-opt in ka sa mga notification para sa Data Usage. Kung nag-opt-in ka para sa mga notification sa Data Usage, magpapadala ang Starlink ng mga email at push notification kapag nakonsumo mo na ang 80% at 100% ng inilalaan mong buwanang priority data.
Paano gumagana ang pag-opt in sa karagdagang Priority Data?
- Puwede kang mag-opt in sa mga automatic top-up. Halimbawa, kung mayroon kang 500GB ng umuulit na data at naka-opt-in ka para sa karagdagang Priority data, awtomatikong idaragdag ang 50GB na block sa linya ng serbisyo mo kapag nagamit mo na ang 500GB.
- Puwede ka ring bumili ng mga indibidwal na top-up block sa mga increment na 50GB. Kung mayroon kang 500GB ng umuulit na data at naubos na ang data mo, puwede kang bumili ng karagdagang 50GB block ng Priority Data para gamitin sa natitirang panahon ng billing period mo.
Umuulit ba kada buwan ang mga automatic top-up block?
- Hindi, hindi umuulit ang mga 50GB top-up block na awtomatikong idaragdag kapag naubos na ang Priority data mo. Mga buwanang umuulit na block lang ang umuulit.
Naro-roll over ba ang mga top-up block?
Puwede ba akong mag-opt out sa karagdagang Priority data?
- Oo. Kapag nag-opt out ka sa karagdagang Priority data, lilimitahan ang serbisyo sa 1Mbps na pag-download at 0.5Mbps na pag-upload kapag nagamit na ang umuulit na Priority data. Puwede mong piliing mag-opt in o mag-opt out kahit kailan.
Puwede bang nasa iisang linya ng serbisyo ang maraming termina
- Papayagan lang sa 1 Starlink terminal ang mga Linya ng Serbisyo na may Local Priority Service Plan. Papayagan hanggang sa 2 Starlink terminal sa iisang linya ng serbisyo ang mga Linya ng Serbisyo na may Global Priority Service Plan kung ang mga ito ay nasa iisang sasakyang pandagat, sasakyan, o gusali. Isang terminal access charge lang ang kakailanganin para sa Mga Linya ng Serbisyo na may 2 terminal ng Starlink. Posibleng may mga limitasyon.
Gagana ba sa mga teritoryal na katubigan ang mga Local Priority plan?
- Hindi, kakailanganin ng Global Priority plan para gumana sa teritoryal na katubigan.
Kung gagamitin ko ang mga API, kailan ko makukuha ang mga detalye ng mga pagbabago sa API?
- Sinisikap ng Starlink na magawa ang buod ng mga pagbabago sa API sa API Readme nang hindi bababa sa 30 araw bago magkabisa ang mga pagbabago.
Puwede ko bang i-pause ang mga priority service plan?
- Oo. Puwede mong i-pause ang Priority service plan mo gamit ang Standby Mode sa murang buwanang bayarin, na may kasamang unlimited low-speed data para sa emergency messaging at madaling pag-reactivate sa mga dead spot.
Tandaan: Hindi puwedeng i-pause ng mga Business at Enterprise customer ang serbisyo gamit ang Standby Mode.
- Para alamin pa ang tungkol sa pag-pause ng serbisyo, i-click ito. Tandaan na hindi iro-roll over ang anumang data block na binili bago mag-pause ng serbisyo kapag ni-reactivate ang service plan. Kapag nasa Standby Mode na at lumipas na ang katapusan ng billing day of month mo, puwedeng ipagpatuloy ng mga customer ang serbisyo sa kahit na anong pre-selected set ng data.
Makakuha ng mga email update ng Starlink dito.