Existing Order sa Website:
Makikita lang ang "icon na lapis" habang nasa status na "Nakabinbin" ang order mo. Hindi na mapapalitan ang shipping address pagkatapos maproseso ang order ("Inihahanda ang Shipment" or "Naipadala na"). Depende sa carrier at lokasyon mo, posible kang magkaroon ng opsyon na gumawa ng mga adjustment sa order mo pagkatapos itong maipadala. Makipag-ugnayan sa carrier mula sa tracking link mo kapag naipadala na ang order mo.
Existing Order sa App:
Tandaan - Kung nagkaroon ng error habang sinusubukang i-update ang address, lagyan ng check ang kahon na "Hindi ma-validate ang address na ito" at subukan ulit.
Para sa Brazil – Mayroon kang 12 oras mula sa pag-order ng Starlink mo para palitan ang shipping address mo. Kung sa loob ng 12 oras, sundin ang gabay sa ibaba:
Para sa mga susunod na order, puwede mong i-update ang default na shipping address mo sa account mo o puwede kang maglagay ng ibang shipping address kapag nag-check out ka na.
Kung nakita mo ang opsyon na "Kanselahin ang Order" sa ilalim ng "Mga Order Mo", nangangahulugan iyon na mayroon kang opsyon na kanselahin ang order bago ito maproseso at puwede kang umorder ulit nito sa shop gamit ang tamang shipping address. Kung hindi mo nakita ang opsyon na kanselahin ang order mo, nangangahulugan ito na naproseso na ang order mo at hindi na puwedeng kanselahin o baguhin. Tandaan - Kung pinag-iisipan mo ang opsyong ito para sa Starlink Kit order mo, bago ka magkansela, inirerekomenda naming kumpirmahin muna na puwede kang bumili ng isa pang kit sa gusto mong lokasyon para makumpirma ang kasalukuyang availability sa service address na iyon at iwasang mawalan ng slot.
Mga limitasyon sa shipping address
Kaugnay na Paksa:
Hindi makita ang hinahanap mo? Makipag-ugnayan sa Support.