Mahalaga ang puwesto ng router para sa matagumpay na set up at malakas na koneksyon ng WiFi.
Mga tip para sa magandang puwesto:
Gitnang lokasyon: Kailangang nakalagay ang router mo sa gitna ng bahay mo kung saan madalas mong ginagamit ang mga device mo (mobile phone, tablet, computer).
Patag na surface: Ilagay ang router mo sa matigas at patag na surface tulad ng mesa, countertop, shelf, o nightstand. Mas maganda ang mga surface na halos nasa gitna ng kuwarto ang taas kaysa nasa sahig, kung maaari, dahil pangunahing nag-e-emit ng signal ang mga router sa kapantay nitong plane kung saan ito nakalagay.
Open space: Pinakamahusay na nakikipag-ugnayan ang router kapag hindi ito nakakulong. Iwasan ang mga cabinet, media console, at aparador.
Patayong posisyon: Siguraduhing nakatayo sa base ang router mo, at huwag itong ilagay nang nakatagilid. Kung bigla kang nagkaroon ng mga isyu, tingnan at alamin kung baka natumba nang hindi sinasadya ang router mo.
Ilang balakid: Pinakamaganda ang koneksyon sa kuwarto kung nasaan ang router mo, o sa layong humigit-kumulang 1–2 kuwarto. Kapag mas manipis ang pader, mas malayo ang maaabot ng signal. Para sa mga mas lumang bahay na posibleng may mas makapal na materyales sa dingding tulad ng plaster, puwede mong subukang ilagay ang mga router mo nang mas malapit sa pinto (hindi ganoon kakapal ang kahoy).
Iwasan ang Interference: Subukang iwasan ang mga karaniwang sanhi ng interference sa bahay tulad ng mga pangunahing appliance (mga microwave at refrigerator), makakapal na materyales (mga metal, kongkreto, o brick), at iba pang pinagmumulan ng interference kabilang ang mga fluorescent na ilaw, iba pang WiFi network, at masamang koneksyon sa kuryente. Subukang ilagay ang router nang hindi bababa sa 20 talampakan ang layo mula sa ganitong mga pinagmumulan ng interference.
Mga Legacy Device: Nakikipag-coordinate ang WiFi6 router mo sa iba pang WiFi6 device para bawasan ang network congestion at latency. Posibleng hindi sinusuportahan ng mga mas lumang produkto ang ganitong mga feature, at puwede pang pabagalin ang network mo. Kung kailangan, subukang ilipat ang mga legacy device (WiFi4 at mas mababa) sa 2.4GHz band. Kung maaari, ikonekta ang ethernet cable sa mas malapit na mesh node para ma-enjoy ang pinakamabibilis na koneksyon.
Mga tool sa Starlink app:
Pinapayagan ka ng opsyon na Advanced Speed Test na direktang i-test ang bilis ng WiFi mo. Puwede itong gamitin para matukoy kung mas mababa ang kasalukuyang bilis ng WiFi mo kaysa sa maibibigay ng Starlink. Bukod pa rito, puwedeng tumagal nang ilang segundo ang pag-adapt ng beamforming capability ng router sa posisyon mo, kaya huwag munang ilipat ang device mo habang isinasagawa ang speedtest.
Pinapayagan ka ng Network tab na makita ang lakas ng signal ng bawat device mo na nakakonekta sa WiFi mo. Mula sa mga setting, may opsyon na hatiin ang mga WiFi band. Nagbibigay nang mas malaking saklaw ang 2.4GHz band pero posibleng makaranas ito ng mas maraming interference kaysa sa 5GHz band. Gumagamit ang 5GHz band ng mas maiikling wave, na ginagawang mas mahirap ang pagtagos ng signal sa mga pader at solid na bagay (kaya nagiging mas maliit ang range) pero makakaranas ito ng mas kaunting interference.
Mga Inirerekomendang Paksa:
Puwede ba akong magdagdag ng third-party router o mesh system?
Paano ko ise-set up ang Starlink Mesh?
Kung isa kang residential customer sa US o Canada at hindi ka makapag-online o bigla kang nag-offline, puwede kang tumawag sa 1-866-606-5103 sa US o sa 1-888-864-1321 sa Canada para sa tulong sa telepono. Kasalukuyang available ang serbisyo sa trial phase at para lang sa mga customer ng Starlink sa U.S. at Canada na nakakaranas ng mga isyu sa koneksyon. Para sa iba pang alalahanin, magsumite ng ticket sa Starlink. Bukas ang linya ng telepono mula 4:00 AM hanggang 10:00 PM Central Time.
Hindi makita ang hinahanap mo? Makipag-ugnayan sa Support.