Mga halimbawa na nagdudulot ng paputol-putol na koneksyon:
- Mga nakaharang
- Pag-install sa labas ng service address
- Hindi wastong pag-install ng Starlink at/o paglalagay ng router
- Sira sa hardware at cable
- Mga third-party device
1: Pumunta sa Starlink App at tingnan kung may anumang makikitang alerto:
- Kung walang banner ng alerto na makikita sa Starlink app, magpatuloy sa hakbang 2.
2: I-reboot ang router at kumpirmahin kung nakakaranas ng paputol-putol na serbisyo ang lahat o ilang device:
*Kung ilang device lang, ilapit ang device sa router at tingnan kung magpapatuloy ang isyu. Kung magpapatuloy, magpatuloy sa hakbang 3.
- Kung lahat ng device, magpatuloy sa hakbang 3.
3: Inspeksyunin ang hardware para sa kahit na anong nakikitang pinsala:
- Suriin ang mga cable para sa mga gasgas, hiwa, at yupi. Kung naipit sa kahit na anong bahagi ng pinto at bintana, puwede itong magresulta sa masamang serbisyo.
- Suriin ang mga port kung may kahit na anong debris o pinsala.
- Kung walang nakitang sira, magpatuloy sa hakbang 4.
4: Alisin ang koneksyon ng anumang third-party hardware sa Starlink setup mo:
- Kung umayos ang serbisyo, ang third-party hardware na ginagamit mo sa setup mo ang ugat ng mga nararanasang kawalan ng koneksyon. Hindi namin magagarantiyahan ang quality performance ng serbisyo sa third-party hardware.
- Kung magpapatuloy ang pagkawala ng koneksyon, magpatuloy sa hakbang 5.
5: Kumpirmahing secure na naka-install ang dish ng Starlink kung saan hindi ito umuuga sa pag-ihip ng hangin:
- Kung umuuga o gumagalaw ng Starlink mast sa pagka-install ng Starlink, inaasahang magkakaroon ng na-degrade na serbisyo. Pumunta sa starlink.com/shop para makita ang mga alternatibong opsyon sa mount.
- Kung secure ang pagka-install ng Starlink, magpatuloy sa hakbang 6.
6: I-click ang "Makipag-ugnayan sa Support" para magsumite ng support ticket na may sumusunod na impormasyon:
- Kung maaari, maglakip ng malilinaw na larawan ng pagka-install ng Starlink, pag-route ng cable, pagkalagay ng router, at anupamang larawan na sa palagay mo ay posibleng makatulong sa paglutas ng isyu mo.
- Direkta bang nakakonekta ang power ng Starlink mo sa isang outlet sa pader? Kung hindi, isama kung paano mo pinapatakbo ang Starlink mo.
- Kailan mo unang naaalala ang mga pagdiskonekta?
- Nagkakaroon lang ba ng mga pagdiskonekta habang gumagamit ng mga tiyak na program/application?
- Nagkakaroon lang ba ng pagkawala ng koneksyon sa ilang partikular na oras sa araw o tuloy-tuloy ito sa buong araw?
Kung isa kang residential customer sa US o Canada at hindi ka makapag-online o bigla kang nag-offline, puwede kang tumawag sa 1-866-606-5103 sa US o sa 1-888-864-1321 sa Canada para sa tulong sa telepono. Kasalukuyang available ang serbisyo sa trial phase at para lang sa mga customer ng Starlink sa U.S. at Canada na nakakaranas ng mga isyu sa koneksyon. Para sa iba pang alalahanin, magsumite ng ticket sa Starlink. Bukas ang linya ng telepono mula 4:00 AM hanggang 10:00 PM Central Time.