Mga Kapaki-pakinabang na Tool
1. Para makapagsimula, maghanap ng hindi nahaharangang view ng kalangitan
Nangangailangan ang Starlink mo ng hindi nahaharangang view ng kalangitan para manatili itong konektado sa mga satellite habang gumagalaw ang mga ito sa itaas. Magdudulot ng mga pagkaantala sa serbisyo ang mga bagay na humaharang sa koneksyon ng Starlink mo at ng satellite, gaya ng sanga ng puno, poste, o bubong. Para makahanap ng lokasyong may hindi nahaharangang view ng kalangitan, gawin ang sumusunod na mga hakbang:
a. I-download ang Starlink App.
b. Gamitin ang tool na "Tingnan Kung May Mga Nakaharang" para makahanap ng lokasyon kung saan mag-i-install na maghahatid ng pinakamagandang serbisyo.
c. Para sa pinakamagagandang resulta, kailangang i-install ang Starlink nang pinakamalapit sa vertical na posisyon hangga't maaari.
Kung hindi ka makahanap ng field na may hindi nahaharangang view mula sa ground level, pag-isipang mag-install sa isang mas mataas na lokasyon, tulad ng bubong, poste, o pader. Mabibili ang mga karagdagang mount at accessory sa Starlink Shop.
2. Pag-install at Pag-on ng Starlink
a. I-plug ang Starlink at ilagay sa base (o sa napili mong mount)
b. Awtomatikong ipapantay ng Starlink ang sarili nito para maghanap ng mga satellite sa itaas. *HUWAG tangkaing manual na i-adjust ang Starlink mo.
c. Pagkatapos ng ilang minuto, gagawa ang Starlink ng inisyal na koneksyon sa Starlink constellation at magti-tilt sa pinakamainam na anggulo para sa satellite coverage (bahagyang hilaga o timog batay sa lokasyon mo sa northern o southern hemisphere).
3. Pagkonekta
a. Kumonekta sa STARLINK network mula sa mga setting ng WiFi ng device mo.
b. Para i-secure ang Starlink WiFi network mo, gamitin ang Starlink App para palitan ang pangalan ng Starlink WiFi network mo at para gumawa ng password ng WiFi. Buksan ang Starlink App > Mga Setting > Router > ilagay ang gustong pangalan ng WiFi network at password > I-save.
c. Nakakonekta ka na! Para i-customize ang mga karagdagang setting, tingnan ang koneksyon mo, at marami pang iba, pumunta sa Starlink App.
Hindi makapag-online? Tingnan ang mga inirerekomendang paksa sa ibaba para sa karagdagang gabay:
[Paano ko ise-set up ang Starlink?] (https://support.starlink.com/?topic=cd99e833-2adc-1cb2-01c3-7f1fbefa3784)
Hindi ako makapag-online sa inisyal na pag-setup
Hindi makita ang hinahanap mo? Makipag-ugnayan sa Support.