###(Tuloy-tuloy - Sa Labas ng Peak Hours)**
Kung nakakaranas ka ng pabalik-balik na isyu sa bilis ng koneksyon sa buong araw, posibleng dahil ito sa isang isyu sa Router/WiFi sa lokal na setup mo.
Tingnan ang home screen ng Starlink app kung may anumang alerto na nagsasaad ng mga network outage, nakaharang, o isyu sa hardware.
Tiyaking ginagamit ang Starlink mo sa tamang lokasyon ng serbisyo na nakalista sa account mo. Kung mayroon kang serbisyo ng Starlink Mobile, posible kang makaranas ng mas mababagal na koneksyon.
Kung isa kang customer ng Priority plan, tingnan ang account mo para alamin kung naabot mo na ang limitasyon ng priority data mo, na lilimitahan ang mga speed mo sa hanggang 1 Mbps na pag-download at hanggang 0.5 Mbps na pag-upload. Baka kailanganin mong maglagay ng mga karagdagang data block sa account mo. Basahin pa ang tungkol sa mga Priority plan dito
Tingnan kung walang nakaharang sa view ng Starlink na posibleng nakakaapekto sa signal, kasama ang makapal na dumi o debris o anumang nakatakip sa mukha ng Starlink. Tingnan ang Paano ko lilinisin ang Starlink ko? para sa mga karagdagang tip.
I-power cycle ang Starlink at router mo sa pamamagitan ng pag-unplug at pag-plug ulit ng AC cable sa outlet sa pader mo.
Alisin ang lahat ng third-party hardware at magsagawa ng speed test kapag off-peak hours gamit ang Starlink app at router. Nagbibigay ang Starlink app ng dalawang advanced na opsyon sa speed test:
Device papuntang Internet - Sinusukat ang end-to-end speed mula sa device mo na nagpapatakbo ng Starlink app at ng internet. Gumagamit ang test na ito ng katulad na methodology ng iba pang speed test provider, at isinasaalang-alang ang koneksyon sa WiFi ng device mo.
Device papuntang Router - Sinusukat ang quality ng koneksyon sa pagitan ng device mo at ng Starlink router mo. Kapag mas mababa ang number na ito kaysa sa speed test ng router mo, posibleng naba-bottleneck ka ng koneksyon sa WiFi mo.
Kumpirmahing may malakas na signal ang device mo at gumagamit ng 5Ghz band. Tingnan ang Network' screen sa app para sa iba pang impormasyon ng client. Puwede ka ring pumunta sa Starlink Shop para bumili ng mesh node at mapalawak ang koneksyon sa buong bahay mo. Tingnan ang Paano ko mapapaganda ang connectivity ng WiFi ko? para sa iba pang detalyadong tip sa pag-optimize ng environment mo.
**(Nag-iiba-iba - kapag Peak Hours)
**Ang peak hours ay mga oras sa buong araw kung kailan maraming user ng Starlink ang sumusubok na gamitin ang serbisyo sa kanila nang sabay-sabay (na karaniwang mula 6 pm hanggang 11 pm sa lokal na oras). Habang ginagawa namin ang aming makakaya para i-optimize ang performance para sa lahat ng user, puwede kang makaranas ng nag-iiba-iba o mas mabagal na connection sa ganitong oras na pinakarami ang gumagamit na user. Kung mayroon kang Starlink Mobile service, posible kang makaranas ng mas mababagal na koneksyon.
Patuloy na in sinusubukan na mapaganda ang serbisyo sa iyo ng Starlink sa pamamagitan ng pagpapalawak sa satellite constellation ng Starlink gamit ang dagdag na pag-launch para ikonekta ang mas maraming bahagi ng mundo sa high speed internet.
Hindi makita ang hinahanap mo? Makipag-ugnayan sa Support.