Tandaan: Nalalapat ang mga hakbang na ito sa mga customer na hindi aviation.
Puwede mong direktang i-update ang pangalan o password ng WiFi network (SSID) mo gamit ang Starlink app. Sundin ang mga hakbang sa ibaba:
Paano Palitan ang Pangalan o Password ng WiFi Network Mo:
- Kumonekta sa Starlink WiFi network mo.
- Mag-sign in sa Starlink Account mo sa Starlink App
- Mag-navigate sa Mga Setting.
- Sa ilalim ng Router Configuration, pindutin ang WiFi network na gusto mong i-update.
- Ilagay ang bagong pangalan at/o password ng WiFi network.
- I-click ang I-save.
Tandaan: Kapag na-save na, mapuputol ang koneksyon ng lahat ng kasalukuyang nakakonektang device. Kakailanganin mong kumonekta ulit gamit ang in-update na pangalan at password ng network.
Mahalaga: Para sa seguridad mo, hindi na ipapakita ulit ang password pagkatapos itong itakda. Kung nakalimutan mo ito, kakailanganin mong i-factory reset ang Starlink router mo para gumawa ng bagong pangalan at password ng network.
Mahalagang Tandaan:
- Tinatawag ding SSID ang pangalan ng WiFi network.
- Puwede ring tawaging network security key, WPA key, o WPA/WPA2 passphrase ang WiFi password.
- Ibahagi lang ang password ng WiFi mo sa mga pinagkakatiwalaang indibidwal.
- Kailangang may 4–32 character ang pangalan ng network (SSID), at puwedeng may kasamang mga letter, number, at space.
- Kailangang may 8–32 character ang password, at puwedeng may kasamang mga letter, number, space, at symbol.
- Bagama't opsyonal ang paggawa ng custom na pangalan at password ng network, lubos naming inirerekomenda ang pag-secure ng WiFi mo. Bilang default, hindi protektado ng password ang Starlink network hanggang sa magtakda ka ng password.
** Mga Kinakailangan sa Password ng WiFi na Para Lang sa Brazil:**
Para makasunod sa mga regulasyon sa Brazil, kailangang matugunan ng WiFi password mo ang lahat ng sumusunod na pamantayan:
- 8 hanggang 32 character ang haba
- May kahit isang uppercase letter
- May kahit isang lowercase letter
- May kahit isang number
- May kahit isang special character
- Halimbawa: 1StrongPa$sword
I-enable ang Guest Network:
Sa paggawa ng guest network, magagamit ng iba ang internet mo nang hindi naa-access ang mga pangunahing setting ng Starlink. Tandaan na habang nasa guest network, hindi maa-access ang Starlink app.
Para i-enable ang guest network:
- Buksan ang Starlink app at pumunta sa Mga Setting
- I-tap ang Magdagdag ng Network.
- Maglagay ng unique SSID at password para sa guest network.
- I-toggle ang opsyon na Guest Network.
- I-tap ang I-save.
Makakuha ng mga update sa email ng Starlink dito.
Mga Inirerekomendang Paksa:
Paano i-factory reset ang router ko?