Maghanda para sa Pag-install
Starlink App: Bago magsimula, i-download ang Starlink app. Makakatulong ito sa iyo:
- Maghanap ng pinakamainam na lokasyon ng pag-install
- Alamin kung may mga nakaharang
- I-set up at pamahalaan ang account mo
I-download ang mga access support at shop tool sa iOS / Android
Pagpili ng Tamang Kit para sa Maritime na Paggamit
Puwedeng gamitin ang Starlink Performance, Starlink Performance (Gen 2), at Starlink Standard Kit sa mga bangka o barko. Gayunpaman, inirerekomenda ang Starlink Performance at Starlink Performance (Gen 2) para sa mga maritime environment dahil sa mas malawak nitong field of view at mas mahusay na performance sa mga lugar na may potensyal na nakaharang (hal. mga marina). Higit pa tungkol sa mga pagkakaiba sa kit dito.
*Starlink Performance Kit + Starlink Performance (Gen 2): Idinisenyo para sa mobility at in-optimize para gamitin sa mga bangka
*Starlink Standard Kit: Mas sensitibo sa mga nakaharang dahil sa mas maliit na field of view, na posibleng magdulot ng mga panandaliang outage habang gumagalaw ang mga satellite.
Mahalaga: Hindi sinusuportahan ang paggamit ng anumang model ng Starlink maliban sa Starlink Performance, Starlink Performance (Gen 2), Starlink Standard, o Starlink Mini habang nasa biyahe. Posibleng mawalan ng bisa ang Starlink warranty mo kapag nasira ang Starlink habang bumibiyahe.
## Mahahalagang Isasaalang-alang sa Pag-install
1. Hindi Nahaharangang View ng Kalangitan
Kailangan ng bawat Starlink ng hindi nahaharangang 360° view ng kalangaitan sa 20° elevation mula sa horizon. Posibleng kinakailangan ang pag-mount ng antenna sa mas mataas na lugar (hal. sa mga mast o poste) para iwasan ang mga nakaharang—lalo na sa mga marina.
2. Orientation ng Mount
- Naka-pre angle ang mga mount nang 8° tilt para tulungang dumaloy ang tubig-ulan.
- May kasamang wedge mount ang Starlink Performance at Starlink Performance (Gen 2).
- May mobility mount ang Standard Kit (available nang hiwalay sa Starlink shop).
- Iposisyon ang mga mount para makuha ang direksyon na may pinakakaunting nakaharang.
- Gumamit ng removable thread locker (hal. Loctite 222) sa lahat ng fastener para iwasan ang pagluwag ng mga ito.
3. Orientation ng Dish at Power Supply
- Iposisyon ang mga connector nang nakaharap pababa o patagilid para iwasan ang pagpasok ng tubig.
- Tiyaking walang naipon na tubig malapit sa mga seal o cable.
*4. Paglalagay ng cable *
- Max na distansya mula sa dish papunta sa power supply: 25m (75')
- Max na kabuuang distansya mula sa dish papunta sa network gear: 100m (300')
- Minimum na radius ng cable bend: 5cm (2")—iwasan ang matatalim na gilid o sulok.
- Hindi naa mare-reverse ang mga cable—partikular ang bawat connector sa device nito.
5. Mga Kinakailangan sa Power
- Input: 100–240V, 6.3A, 50–60Hz
- Inirerekomenda ang paggamit ng UPS (Uninterruptible Power Supply) para mapanatili ang connectivity sa maiikling outage o brownout.
- Para sa mga DC power source: Gumamit ng Pure Sine Wave inverter na may minimum na 500W.
6. Mga Network at IP Address
- Pagkatapos makakonekta, magtatalaga ang dish ng CGNAT IP address bilang default.
- Puwedeng i-enable ang mga pampublikong IP sa pamamagitan ng dashboard ng Starlink.
- Higit pa tungkol sa IP configuration dito.
7. Maramihang Starlink System
- Para sa pag-install ng maraming dish, magpanatili ng hindi bababa sa 3 metro sa pagitan ng mga gitna ng mount.
- Puwedeng gumamit ng third party na router para pagsama-samahin ang maraming Starlink sa iisang network at suportahan ang pagbabalanse ng load, failover, at paghubog ng traffic.
8. Support
- Puwedeng tumagal nang hanggang 20 minuto ang paunang koneksyon.
- Para humingi ng tulong, pumunta sa seksyon ng pag-troubleshoot at seksyon ng pag-setup sa aming Starlink Help Center.
Mga Instruction sa Pag-install
Hakbang 1: Maghanap ng Hindi Nahaharangang Lokasyon
- Kailangan ng Starlink ng 100% hindi nahaharangang visibility sa kalangitan para mag-perform nang maayos.
- Puwedeng magdulot ang anumang nakaharang ng mga dropped packet, paputol-putol na outage, o mas mababagal na koneksyon.
- Gamitin ang Starlink app para kumpirmahing walang interference sa lugar ng pag-install, lalo na mula sa mga kalapit na mast o antenna.
Kasama sa mga karaniwang lokasyon ng pag-mount ang mga nakataas na post, railing, mast, o rooftop para bawasan ang mga nakaharang at pagkakalantad sa salt spray.
*Hakbang 2: I-mount ang Starlink *
- Starlink Performance at Starlink Performance (Gen 2) gamit ang wedge mount para sa nakakiling na pag-install (hinihikayat ang pagdaloy ng tubig).
- Pinapayagan ang mga pag-install ng Flat sa mga high-speed na sasakyang pandagat para iwasan ang drag.
Mga opsyon sa pag-mount:
- Starlink Pole Mount Adapter (Starlink Performance (Gen 2)): Para sa pag-install sa poste o mount
- Mga Beam clamp o U-bolt: Puwedeng gamitin kasama ng mga wedge mount sa mga railing (kailangan ng pag-drill)
*Posible ring compatible ang mga third-party mounting solution
Hakbang 3: Ikonekta ang Dish
- Ikonekta ang dish sa power supply gamit ang kasamang 25m na Starlink cable.
- Dahil sa mga kinakailangan sa power, hindi puwedeng pahabain ang cable mula sa power supply hanggang sa dish nang lampas sa 25m.
Hakbang 4: Ikonekta ang Kuryente
- Gamitin ang ibinigay na AC power cable para ikonekta ang power supply (at router kung naaangkop).
- Kumonekta sa isang stable ns AC source, na mainam kung protektado ng UPS para protektahan laban sa mga pag-fluctuate ng voltage o outage.
*Hakbang 5: Kumonekta sa Network **
Opsyon A: Paggamit ng Starlink WiFi Router (magkahiwalay na ibinebenta)*
- Ikonekta ang Starlink router sa power supply.
- Buksan ang Starlink app at i-tap ang “Simulan ang Pag-setup”.
- Sundin ang mga hakbang para pangalanan ang network mo at magtakda ng password.
- O, kumonekta gamit ang mga setting ng WiFi ng device sa network na may pangalang STARLINK.
- Kumpirmahin ang koneksyon sa pamamagitan ng pag-browse online o pagpapatakbo ng speed test sa app.
Inirerekomenda naming gamitin ang Starlink router para sa paunang kumpirmasyon ng setup.
Opsyon B: Paggamit ng Third-Party Router o Direct Ethernet
Gamitin ang Starlink Ethernet Adapter para direktang ikonekta ang power supply sa:
- Isang computer (sa pamamagitan ng RJ-45 port), o
- WAN port ng third-party router
- Para sa mas mahabang distansya, puwedeng gamitin ang standard ethernet cable (Cat5e/6) hanggang 100m
- Tiyaking weatherproofed ang mga outdoor ethernet connection:
Mga Kaugnay na Paksa: