Puwede kang bumili ng karagdagang data para sa mga sumusunod na plan sa pamamagitan ng account mo sa website o app ng Starlink:
- Roam 50GB
- Roam Unlimited (kung sinusuportahan ang Ocean Mode)
- Local Priority
- Global Priority
Narito ang mga instruction kung paano mag-opt-in, mag-opt-out, at pamahalaan ang data mo para sa bawat plan na iyon.
Roam 50GB: Magdagdag pa ng Roam data
Pag-opt-in:
- Web: Pumunta sa "Mga Subscription", piliin ang linya ng serbisyo mo, pagkatapos sa ilalim ng "Data," i-toggle on ang "Roam."
- App: I-tap ang icon na Tao, pagkatapos ang "Data Usage," at i-toggle on ang "Roam."
- Tandaan: Sinisingil nang kada GB ang karagdagang data, lalabas sa susunod mong invoice, at magpapatuloy sa mga susunod na billing cycle hanggang sa mag-opt out ka.
Pag-opt-out:
- Web: Pumunta sa "Mga Subscription", piliin ang linya ng serbisyo na gusto mong baguhin, pagkatapos sa ilalim ng "Data", i-toggle off ang "Roam".
- App: I-tap ang icon na Tao, pagkatapos ang "Data Usage," at i-toggle off ang "Roam."
Roam Unlimited: Ocean Mode
Pag-enable: * Web: Pumunta sa "Mga Subscription", piliin ang gusto mong linya ng serbisyo, pagkatapos sa ilalim ng "Data," i-enable ang "Ocean Mode.”
- App: I-tap ang icon na Tao, pagkatapos ang "Data Usage," at i-enable ang "Ocean Mode."
- Sinisingil nang kada GB ang Ocean Mode at magsisimula kaagad kapag na-enable na.
- Tandaan: Kakailanganin mo ng Ocean Mode para kumonekta sa katubigan sa ibang bansa (lampas sa 12 nautical miles mula sa kalupaan). Sinisingil nang kada GB ang Ocean Mode data, lalabas susunod mong invoice, at magpapatuloy sa mga susunod na billing cycle hanggang sa i-disable mo ito.
- Tingnan ang Puwede ko bang gamitin ang Starlink sa karagatan? o Ano-ano ang Roam service plan? para sa iba pang detalye tungkol sa feature na ito.
Pag-disable:
- Web: Pumunta sa "Mga Subscription", piliin ang linya ng serbisyo na gusto mong baguhin, pagkatapos sa ilalim ng "Data", i-toggle off ang "Ocean Mode".
- App: I-tap ang icon na Tao, pagkatapos ang "Data Usage," at i-toggle off ang "Ocean Mode."
Local Priority plan at Global Priority: Pagdagdag ng mga Data Block
Sa Local Priority plan at Global Priority plan, puwede mong pamahalaan ang data mo sa 2 paraan:
I-adjust ang umuulit na buwanang dami ng data mo (magkakabisa sa susunod na billing cycle)
Piliin kung gaano karaming data ang nakukuha mo kada buwan, sa block na 50GB o 500GB. Magkakabisa ang mga pagbabago sa simula ng susunod na billing cycle mo.
- Web: Pumunta sa "Mga Subscription", piliin ang linya ng serbisyo na gusto mong baguhin, pagkatapos sa ilalim ng “Data,” i-edit ang ang Buwanang Data mo.
- App: I-tap ang icon na Tao, pagkatapos ang “Mga Subscription”, piliin ang linya ng serbisyo na gusto mong baguhin, at sa ilalim ng “Data,” i-edit ang ang Buwanang Data mo.
Magdagdag ng data para sa billing cycle na ito (magkakabisa kaagad)
Manual na magdagdag pa ng data kapag kailangan mo ito (Isang Beses na Top-Up), o awtomatikong magdagdag ng data kapag naubusan ka (Awtomatikong Top-Up).
- Isang Beses na Top-Up: Magdagdag ng 50GB block kung kinakailangan.
- Web: Pumunta sa "Mga Subscription", piliin ang linya ng serbisyo na gusto mong baguhin, pagkatapos sa ilalim ng “Data” magdagdag ng Isang Beses na Top-Up.
- App: I-tap ang icon na Tao, pagkatapos ang “Mga Subscription”, piliin ang linya ng serbisyo na gusto mong baguhin, at sa ilalim ng "Data Usage" magdagdag ng Isang Beses na Top-Up.
- Awtomatikong Top-Up: Awtomatikong idagdag ang 50GB o 500GB block kapag naubusan ka na ng data sa kasalukuyang data block mo.
- Web: Pumunta sa "Mga Subscription", piliin ang linya ng serbisyo na gusto mong baguhin, pagkatapos sa ilalim ng “Data,” i-enable ang Awtomatikong Top-Up.
- App: I-tap ang icon na Tao, pagkatapos ang “Mga Subscription”, piliin ang linya ng serbisyo na gusto mong baguhin, at sa ilalim ng "Data Usage" i-enable ang Awtomatikong Top-Up.
Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang Ano-ano ang Local Priority at Global Priority service plan?
Pangkahalatang paalala sa karagdagang data:
- Makakatanggap ka ng email at push notification kapag nagamit mo na ang 80% at 100% ng data mo. Siguraduhing naka-opt in ka para makatanggap ng mga notification sa Data Usage sa app.
- Posibleng iba ang presyo ng karagdagang data block kumpara sa nakaraang pagbili at ibabatay sa kasalukuyang mga presyo sa panahon ng pagbili.
- Kapag nag-opt in, sisingilin ka para sa dagdag na data na ginagamit nang lampas sa allotment ng plan mo hanggang sa mag-opt out ka, pati na sa mga susunod na billing cycle.
- I-track ang data usage sa account mo. Posibleng mas mababang data ang makikita sa bill mo kaysa sa Data Tracker, dahil ibinabawas ng Starlink ang ginamit na data para sa mga backend operation (hal. mga update sa software).
- Kung kasalukuyang naka-pause ang serbisyo sa iyo, kailangan mong i-activate ang serbisyo para makita ang toggle.
Mahalagang tandaan sa pag-opt in pagkatapos magpatupad ng limitasyon sa karagatan, kontinente, o lokasyon:
Kung mayroon kang naka-custom na setup o configuration ng network (VPN, content filtering, mga third party router, atbp.), posible nitong i-block ang access sa Starlink account mo para Mag-opt in o mag-upgrade para sa karagdagang Priority Data habang nakakonekta sa Starlink network. Kakailanganin mong alisin ang mga customization mo o kumonekta sa ibang network para ma-access ang Starlink account mo. Makikita ang karagdagang detalye sa Patakaran sa Patas na Paggamit ng Starlink.
Mga Inirerekomendang Paksa: