Pagkatapos bilhin ang Starlink sa isang awtorisadong retailer o sa pamamagitan ng pag-transfer, kakailanganin ang unique Starlink identifier mo para i-activate ang serbisyo. Makikita mo ang Starlink identifier sa pamamagitan ng Starlink app (Terminal ID) at/o ng Kit Serial Number (sa shipping label man o sa hardware). Pakitingnan ang mga detalye kung saan makikita ang mga Starlink identifier sa ibaba.
Tandaan, hindi kailangan ang hakbang na ito kung sa Starlink.com ka bumili.
Mga format ng Starlink Identifier:

- Terminal ID (makikita sa Starlink app)
- Kung kamakailan kang nag-download ng app, i-click ang "Kumonekta sa Wifi" at pindutin ang STARLINK network.
- Sa home screen ng Starlink app, mag-scroll papunta sa ibaba ng page at pindutin ang "Advanced."
- Sa ilalim ng seksyong 'Starlink', hanapin ang Starlink identifier/Terminal ID mo (hal. 01000000-00000000-00e1c9f7 - huwag isama ang "ut" na nasa unahan).

- Starlink Serial Number: (sumangguni sa partikular na uri ng Starlink hardware)
- Starlink Standard at Starlink Enterprise: Makikita sa likod ng Starlink malapit sa connector port (hal. SN: 2ABC000000000000)
- Starlink Mini: Makikita sa likod ng Starlink, sa kaliwang sulok sa ilalim ng Kickstand.
- Standard Actuated: Makikita sa ilalim ng Starlink mast (hal. SN: 2ABC00000000)
- Starlink Performance (Gen 1): Makikita sa ilalim ng Starlink mast (hal. N: HPCP000000000000)
- Starlink Performance (Gen 2): Makikita sa likod ng Starlink malapit sa connector port (halimbawa.) N: HPCP00000000)
- Starlink Performance (Gen 3): Makikita sa likod ng Starlink (halimbawa. SN: HPBA000000000000)
"Invalid Device ID" error - Kung natanggap mo ang error message na ito, tingnan kung nailagay nang tama ang Starlink identifier mo. Kung patuloy mong natatanggap ang error na ito, makipag-ugnayan sa support sa ibang paraan dito.

Mga Inirerekomendang Paksa: