Paano gumagana ang 30 araw na trial?
Ano ang ibig sabihin ng Reservation o Deposit?
Paano ko ia-activate ang isang 2nd hand na Starlink?
Sinusubukan kong mag-reactivate ng serbisyo. Bakit hindi lumalabas ang reactivate button?
Hindi ko sinasadyang i-check ang "isauli ang equipment" nang kanselahin ko ang serbisyo, pero ayokong isauli ang equipment.
Gaano katagal bago makakatanggap ng serbisyo pagkatapos bayaran ang hindi nabayarang balanse?
Paano ko ia-activate ang Starlink nang walang QR Code?
Paano ako mag-a-activate sa labas ng kasalukuyan kong bansa?
Na-activate ko na. Bakit sinasabi pa rin ng app ko na i-activate ko ang Starlink ngayon?
Paano ko ia-activate ang Starlink kung wala akong existing na internet connection?
Paano ko papalitan ang pangalan sa account ko?
Bakit nagkakaroon ng error kapag sinusubukan kong mag-reactivate ng serbisyo?
Bakit ako sinisingil kapag sine-set up ko ang Starlink ko?
Hindi ipinahayag ng 30 araw na trial na binanggit sa website ng Starlink na libre ang unang buwan ng serbisyo, dahil hindi ito 30 araw na libreng trial kundi isang trial ng hardware ng Starlink. Sa halip, tinutukoy nito kung paano, kung hindi ka nasiyahan sa serbisyo o produkto sa loob ng unang 30 araw ng paggamit ng serbisyo pagkatapos magsimula ang billing, mo puwedeng isauli ang hardware para makakuha ng buong refund.
Tandaan, hindi kasama sa pagbili mo ng hardware ang bill para sa una mong buwan. Sa halip, sinisingil ito kapag nag-activate ka na (o 30 araw pagkatapos ipadala ang Starlink mo).
Kung susubukan mong i-place ang order mo sa isang lokasyon na wala nang capacity, ire-redirect ka ng system para mag-deposit. Kapag nakumpleto na ang order mo, sisingilin ka ng one-time fee para sa deposit na ito. Ibabawas ang halagang ito sa kabuuang babayaran para sa Starlink equipment kapag nagkaroon na ng availability.
Kapag bumili ng kit sa isang awtorisadong dealer, mahalagang kumpirmahin muna kung may available na serbisyo sa nasabing lugar. Magagawa mo ito sa pamamagitan ng paglalagay ng service address mo sa aming availability map: https://starlink.com/map Light blue kapag available, blue kapag wait list, at navy blue kapag magkakaroon kami ng serbisyo sa nasabing lokasyon sa lalong madaling panahon.
Kung naproseso ng dating may-ari ang pag-transfer ng kit, puwede mong sundan ang mga normal na hakbang sa pag-activate dito: https://www.starlink.com/support/article/9c053dcc-c9ba-f64b-c413-af6afc3d6e13
Posibleng nangyari iro dahil hindi available ang mga serbisyo dulot ng mga isyu sa capacity sa inyong lugar. Puwede mong tingnan ang availability map ng serbisyo ng Starlink sa https://starlink.com/map para kumpirmahin kung nasa full capacity na ang inyong lugar.
Kung nasa capacity ang inyong lugar, posible ka pa ring mag-reactivate sa Roam service plan (depende sa lokasyon mo). Tandaan, hindi mo magagawang lumipat sa Standard service plan o Priority service plan mula sa Roam service plan hanggang sa magkaroon ng capacity sa inyong lugar.
Dahil ayaw mong isauli ang equipment, puwede mong balewalain na lang ang email na naglalaman ng return shipping label mo.
Dapat awtomatikong mag-reactivate kaagad ang serbisyo pagkatapos maproseso ang pagbabayad ng hindi pa nabayarang balanse, pero posible itong tumagal nang hanggang 15 minuto.
Puwede mong gamitin ang KIT number na kasama ng kahon kung saan nakalagay ang equipment o ang serial number na makikita sa ilalim ng antenna.
Sa alinmang sitwasyon, puwede mong gamitin ang: https://starlink.com/activate.
Hindi sinusuporrtahan ang pagpapalit ng service address mo sa isang lokasyon na nasa labas ng bansa kung saan nakarehistro ang account mo, pero puwede ka pa ring mag-activate sa Roam. Kung gagawin mo ito, magpapatuloy ang serbisyo hanggang 60 araw sa labas ng bansa kung saan ka nakarehistro. Pagkatapos ng panahong iyon, sususpindihin ang serbisyo sa iyo.
Kung plano mong manatili sa ibang bansa nang mahigit sa 60 araw, iminumungkahi naming i-transfer ang Starlink mo sa bagong account na nakarehistro sa bansang iyon.
Dapat mawala ang notification sa loob ng 30 minuto pagkatapos mag-activate.
Magagawa mo pa ring kumonekta sa Starlink mo kahit hindi ka pa naka-active o kung hindi ka pa nakapag-activate. Mula roon, makakapag-activate/makakapag-reactivate ka kung kinakailangan.
Hindi mo mapapalitan sa ngayon ang pangalan sa Starlink account mo, pero makakapagdagdag ka ng iba pang user. Kung kailangan mong ilagay ang account sa ibang pangalan, inirerekomenda namin na i-transfer mo ang device sa isang bagong account. Tingnan ang https://www.starlink.com/support/article/b33da5ba-46f4-c93a-5cbb-700edae91188
Posibleng nakatanggap ka ng error kung sinuspinde ang serbisyo sa iyo dahil sa isang hindi pa nabayarang balanse, o kung naka-pause/kinansela ang serbisyo sa iyo dahil sa hindi pa nababayarang balanse. Para makapag-reactivate, kailangan mong bayaran ang balanse. Puwede mong tingnan ang balanse mo sa billing tab ng account mo, at puwede kang magbayad sa pamamagitan ng pagpindot sa 'Magbayad'.
Kapag bumili ka ng Starlink sa starlink.com, sisingilin ka para sa Starlink kit, pero hindi ka sisingilin para sa unang buwan ng serbisyo sa iyo.
Darating ang una mong bill kapag nag-activate ka o 30 araw pagkatapos ipadala ang Starlink mo, alinman ang mauna.
Hindi ipinahayag ng 30 araw na trial na binanggit sa website ng Starlink na libre ang unang buwan ng serbisyo, dahil hindi ito 30 araw na libreng trial kundi isang trial ng hardware ng Starlink.
Sa halip, tinutukoy nito kung paano, kung hindi ka nasiyahan sa serbisyo o produkto sa loob ng unang 30 araw ng paggamit ng serbisyo pagkatapos magsimula ang billing, mo puwedeng isauli ang hardware para makakuha ng buong refund.
Hindi makita ang hinahanap mo? Makipag-ugnayan sa Support.
Paano gumagana ang 30 araw na trial?
Ano ang ibig sabihin ng Reservation o Deposit?
Paano ko ia-activate ang isang 2nd hand na Starlink?
Sinusubukan kong mag-reactivate ng serbisyo. Bakit hindi lumalabas ang reactivate button?
Hindi ko sinasadyang i-check ang "isauli ang equipment" nang kanselahin ko ang serbisyo, pero ayokong isauli ang equipment.
Gaano katagal bago makakatanggap ng serbisyo pagkatapos bayaran ang hindi nabayarang balanse?
Paano ko ia-activate ang Starlink nang walang QR Code?
Paano ako mag-a-activate sa labas ng kasalukuyan kong bansa?
Na-activate ko na. Bakit sinasabi pa rin ng app ko na i-activate ko ang Starlink ngayon?
Paano ko ia-activate ang Starlink kung wala akong existing na internet connection?
Paano ko papalitan ang pangalan sa account ko?
Bakit nagkakaroon ng error kapag sinusubukan kong mag-reactivate ng serbisyo?
Bakit ako sinisingil kapag sine-set up ko ang Starlink ko?