Gumagana ang Direct to Cell sa mga umiiral na LTE phone kahit saan mo nakikita ang kalangitan. Walang kinakailangang pagbabago sa hardware, firmware, o mga espesyal na app, na nagbibigay ng makinis na pag-access sa text, boses, at data.
May onboard na advanced na eNodeB modem ang mga satellite ng Starlink na may kakayahang Direct to Cell na gumaganap na parang cellphone tower sa kalawakan. Nagbibigay-daan ito sa network integration na tulad ng isang standard roaming partner.
Nagbibigay-daan ang Direct to Cell ng connectivity sa mga liblib na rehiyon, na nagbibigay ng kapanatagan ng loob kapag kailangang-kailangan ito ng mga customer.
Pinapakinabangan nang husto ng SpaceX ang karanasan nito sa manufacturing at paglulunsad ng pinaka-advance na mga rocket at spacecraft sa mundo para i-deploy ang mga satellite ng Starlink na may kakayahang Direct to Cell at scale. Unang ilulunsad ang mga satellite ng Direct to Cell sa Falcon 9 rocket ng SpaceX at sa Starship naman sa susunod. Agad na kokonekta ang mga satellite sa orbit sa pamamagitan ng laser backhaul sa Starlink constellation para magbigay ng connectivity sa buong mundo.
Bukod pa sa pagpapaawak ng mobile coverage, papayagan ng Direct to Cell ang pagkakaroon ng Internet of Things (IoT) conectivity kahit saan, kahit pa sa labas ng coverage sa kalupaan, na ikinokonekta ang milyon-milyong device sa mahahalagang pandaigdigang industriya. • Walang kailangang naka-specialize o dagdag na hardware • Compatible sa off-the-shelf CAT-1, CAT-1 Bis, at CAT-4 modem* • Available ang mga plan sa tulong ng aming mga global partner sa mga naaprubahang bansa simula sa 2025 *3GPP compliant release 10 or mas bago, kailangang sinusuportahan ng modem ang mga existing band of operation sa mga inilaang bansa kung saan magbibigay ng serbisyo
May access ang mga cellular provider na gumagamit ng Direct to Cell sa reciprocal global access sa lahat ng ka-partner na bansa.
T-MOBILE (USA) >
OPTUS (AUSTRALIA) >
ROGERS (CANADA) >
ONE NZ (NEW ZEALAND) >
KDDI (JAPAN) >
SALT (SWITZERLAND) >
ENTEL (CHILE) >
ENTEL (PERU) >