Overview ng Billing Day of Month:
Bilang isang Enterprise Account, magkakaroon ka ng billing day of the month. Ang billing day of the month ang araw kung kailan ige-generate ang invoice mo. Bilang default, nakatakda ang pagbabayad 7 araw pagkatapos buuin ang invoice.
Naka-link ang billing day of the month sa isang account level at nakabatay sa petsa kung kailan mo in-activate ang una mong subscription. Pagkatapos ng iyong unang subscription, lahat ng aktibong subscription sa account, anuman ang petsa ng pag-activate, ay sisingilin sa billing day of the month.
- Halimbawa: Kung ang isang subscription ay na-activate sa 2/10, ang billing day of the month ay magiging ang ika-10. Bubuuin ang una mong invoice sa 3/10 at sisingilin ang mga serbsiyong na-activate mula 2/10 at 3/10-4/10.
Pangkalahatang-ideya sa Pro-ration:
Simula Nobyembre 1, 2023, at makikita sa buwanang mga invoice ng serbisyo simula Disyembre 1, 2023, ang mga buwanang bayarin para sa anumang pag-upgrade sa bagong linya ng serbisyo o sevice plan ay sasailalim sa pro-rated na pagsingil.
Paglipat sa mas mahal na plan: Magkakabisa kaagad ang access sa na-upgrade na service plan at sisingilin ka ng mas mataas na presyo simula sa araw na in-upgrade mo ang plan. Makikita sa buwanang invoice mo ang pagkakaiba ng pro-rated na buwanang presyo para sa na-upgrade na plan at ang natitirang araw ng billing cycle mo.
Paglipat sa mas murang plan: Mananatili ang kasalukuyan mong service plan hanggang sa matapos ang billing cycle mo. Magkakaroon ka ng access sa na-downgrade na service plan sa simula ng susunod mong billing cycle. Kung may natamo na singil sa overage mula sa nakaraan at bagong service plan, sisingilin ito sa iyo sa invoice para sa susunod na billing cycle. Sisingilin ka ng mas murang presyo ng buwanang serbisyo para sa na-downgrade na service plan sa simula ng susunod mong billing cycle.
*Paglipat sa plan na may parehong presyo: Magkakaroon ka kaagad ng access sa service plan. Hindi magbabago ang presyong makikita sa buwanang invoice.
*Pag-pause o pagkansela ng service plan: Mananatiling active ang isang na-pause o kinanselang service plan hanggang sa katapusan ng kasalukuyang billing cycle. Kung ni-reactivate ang nasabing service plan pagkalipas ng ilang panahon, magiging pro-rated ito na tulad ng isang bagong gawang service plan.
- Pagkonsumo ng Priority at Mobile Priority data: Hindi pro-rated ang data na inilaan sa ilalim ng service plan. Kung magpalipat-lipat ka sa pagitan ng Priority at Mobile Priority, hiwalay na ilalaan ang data. Kung nakakuha ka ng overage data, sisingilin ka para sa overage anuman ang mga pagbabago sa plan sa kalagitnaan ng cycle ng pagsingil. Tingnan ang mga halimbawa sa ibaba kung paano pinangangasiwaan ang paggamit ng data kung nagbago ka ng plan sa kalagitnaan ng billing cycle.
Mga Halimbawa ng Data Treatment:
Treatment sa hindi nagamit na data pagkatapos magpalit ng mga plano:
- Ang isang user ay nasa isang Priority 1TB na Plan, kung saan 450GB ng data ang ginagamit sa billing cycle.
- Ang user ay nag-upgrade sa mas mataas na presyong Mobile Priority 5TB Plan sa kalagitanaan ng billing.
- Agad na magkakabisa ang pag-access ng user sa Mobile Priority Plan na may 5TB ng data na magagamit para sa natitirang bahagi ng billing cycle; hindi kasama ang hindi nagamit na data mula sa orihinal na Priority 1TB Plan, at binabalewala ang 450GB ng data.
Treatment sa hindi nagamit na data pagkatapos magpalit ng mga plan na may parehong uri ng data:
- Ang isang user ay nasa isang Priority 1TB Plan, kung saan 450GB ng data ang ginagamit sa billing cycle.
- Nag-upgrade ang user sa mas mataas na presyong Priority 5TB Plan sa kalagitnaan ng billing cycle.
- Agad na magkakabisa ang pag-access ng user sa mas mataas na presyong Priority Plan na may 4550GB ng data na magagamit para sa natitirang bahagi ng billing cycle; hindi kasama ang hindi nagamit na data mula sa orihinal na Priority 1TB Plan.
Treatment sa labis na data pagkatapos magpalit ng mga plan:
- Ang isang user ay nasa isang Priority 1TB Plan, kung saan 450GB ng data ang ginagamit sa billing cycle.
- Nag-upgrade ang user sa mas mataas na presyong Mobile Priority 50GB Plan sa kalagitnaan ng billing cycle.
- Agad na magkakabisa ang pag-access ng user sa Mobile Priority Plan na may 50GB ng data na magagamit para sa natitirang bahagi ng billing cycle; hindi kasama ang hindi nagamit na data mula sa orihinal na Priority 1TB Plan, at binabalewala ang 450GB ng data. Kung nag-opt in ang user sa karagdagang data, sisingilin ang user ng overage fee kapag nakonsumo na ang 50GB na data. Inilalarawan ang mga overage na bayarin dito.
- MAHALAGA: Kung ang data na nakonsumo mo para sa buwan ay lumampas sa paglalaan ng data ng iyong plan, sisingilin ka ng mga overage na bayarin. Mangyayari ang overage na singil na ito anuman ang ipapalit mong plan. Kung gusto mong maiwasan ang posibilidad ng mga overage na bayarin, mag-opt out sa overage data bago magkaroon ng overage data.
Para kalkulahin ang mga pro-rated na singil na tumutugma sa mga pag-update ng produkto ng isang ibinigay na service line gamit ang API:
KUMUHA ng mga bahagyang panahon para sa target na linya ng serbisyo, na magiging listahan ng mga petsa ng pagsisimula/pagtatapos na kumakatawan sa panahon at sa ID ng produktong pinipigilan sa panahong iyon.
- Tandaan: Hindi ipapakita sa endpoint na ito ang kasalukuyang produktong pinipigilan ng linya ng serbisyo. Para sa kumpletong pro-rated na pagtatantya, kakailanganin mong isaalang-alang ang karagdagang bahagyang panahon ng kasalukuyang produkto ng service line mo, na pinipigilan hanggang sa susunod na araw ng pagsingil na ipinapalagay na walang karagdagang pagbabagong gagawin.
KUNIN ang mga available na produkto, na nagma-map ng ID ng produkto sa buwanang presyo ng serbisyo
Para sa detalyadong impormasyon, sumangguni sa aming readme.io documentation. Puwedeng magbigay ang account manager mo ng password para sa pag-access sa aming dokumentasyon.
Mga Madalas Itanong:
Nasa 5TB Mobile Priority Plan ang isang user, pagkatapos ay lumipat siya sa 50GB Mobile Priority Plan sa kalagitnaan ng billing cycle, ano ang proseso nito?
- Dahil mas mura ang 50GB Mobile Priority plan, mananatili siya sa 5TB plan hanggang sa matapos ang billing cycle niya. Magkakaroon ng access sa 50GB Mobile Priority plan sa simula ng susunod na billing cycle. Sisingilin ka para sa 50GB Mobile Priority Plan sa simula ng susunod mong billing cycle.
Nasa 50GB Mobile Priority Plan ang isang user, pagkatapos ay lumipat siya sa 5TB Mobile Priority Plan sa kalagitnaan ng billing cycle, ano ang proseso nito?
- Magkakaroon kaagad ng access sa 5TB Mobile Priority Plan at sisingilin ka ng mas mataas na presyo simula sa araw na mag-upgrade ka ng plan. Makikita sa buwanang invoice mo ang pagkakaiba ng pro-rated na buwanang presyo para sa na-upgrade na plan at ang natitirang araw ng billing cycle mo. Halimbawa:
- Ang unang araw ng buwan ang araw ng pagsingil:
- Magbabayad ang customer ng $250 sa Nobyembre 1.
- Nag-upgrade ang customer sa $1000 na plan nang Nobyembre 15.
- Sa Disyembre 1, sisingilin ang customer ng (presyo ng na-upgrade na plan - presyo ng orihinal na plan) * (bilang ng araw na natitira sa billing cycle/bilang ng araw sa buwan ng billing cycle) = Pro-rated na presyo ng service plan.
- ($1000 - $250) * (15/30) = $375
Nasa 40GB Priority Plan ang isang user, nag-opt in siya sa karagdagang priority data, at gumamit siya ng 1TB na Priority data. Kung mag-a-upgrade ang customer sa 1TB plan bago ang katapusan ng buwan, sisingilin ba siya ng overage fee?
- Kinakalkula at sinisingil ang overage data batay sa limitasyon sa data ng ginagamit mong plan kung kailan ginamit ang overage data. Kung 40GB ang service plan mo at gumamit ka ng 1TB na data, sisingilin ka ng overage para sa 960GB na Priority data. Kung mag-a-upgrade ka sa 1TB plan sa katapusan ng buwan, hindi nito makakansela ang iyong overage fee.
Paano makikita sa invoice ko ang mga pro-rated na singil?
- Kung lumipat ka sa mas mahal na plan o nag-activate ka ng service line sa kalagitnaan ng billing cycle, magkakaroon ng dalawang invoice line:
- Ang pro-rated na singil sa nakaraang billing cycle sa mga petsa kung kailan naging active ang service plan.
- Ang singil sa kasalukuyang billing cycle sa mga petsa kung kailan naging active ang service plan.
Paano binibilang ang mga araw?
- Para sa mga layunin ng billing, binibilang ng pro-ration ang panahon gamit ang partikular na timestamp ng pag-upgrade. Ibig sabihin, puwedeng magkabisa kaagad ang pag-upgrade.