Puwedeng magkaroon ng 3 uri ng credit: generic, service, o hardware.
Awtomatikong inilalapat ang mga credit sa susunod na bill na makikita sa account mo. Halimbawa, kung may nakabinbing bill ang account mo sa panahong idinagdag ang service credit, hindi babaguhin ng service credit ang nakaiskedyul na halagang babayaran, at sa halip ay ilalapat na lang sa susunod na billing mo.
Kung naniniwala kang dapat isama ang isang credit sa pinakabago mong bill, o mali ang halaga ng credit, gumawa ng support ticket at magbigay ng mga detalye tungkol sa isyu. Para sa mga Enterprise at Premium Business customer, kung naniniwala kang dapat ilapat ang credit sa isang existing invoice, gumawa ng support ticket na may credit number at invoice number.
Puwedeng tingnan ang mga credit sa account mo sa pagpunta sa starlink.com/account/billing. Nasa ibaba ang invoice table ang credit table at ipapakita ang available na balance at kabuuang halaga ng credit. Mayroon ding buod ng mga available na credit sa ibaba ng balance box ng account sa kaliwang sulok sa itaas ng page.
Hindi puwedeng i-refund, i-transfer, at hindi mare-reimburse ang mga credit kapag inihinto mo ang serbisyo.
Hindi makita ang hinahanap mo? Makipag-ugnayan sa Support.