May Snow Melt functionality ang Starlink mo, na nagbibigay-daan na awtomatikong gamitin ang power na nakukuha nito para painitin ang sarili at matunaw ang yelo. Nakakatulong ang feature na ito na maiwasang maantala ang serbisyo, habang iniiwasan din ang pangangailangan mong umakyat sa bubong para alisin ang snow sa Starlink mo.
Hindi rin dapat makaapekto sa performance ang mga icicle mismo. Kung gusto mo, puwede mong dahan-dahang alisin ang yelo kahit kailan. Kadalasan, hindi nakakaapekto ang yelo sa serbisyo, pero puwedeng mapigilan nito ang paggalaw ng motor kapag kailangang mag-reposition ng Starlink. Inirerekomenda naming huwag gumamit ng mga tool (pick, chisel) para maiwasang mapinsala ang Starlink mo.
Kung natatabunan ng naipong snow o yelo ang Starlink mo, posibleng makatanggap ka ng alerto mula sa Starlink App na nagsasabing naka-block ang mga motor. Kung may lumabas na alerto, maaarig kailangan mong dahan-dahan na alisin ang yelo/icicles para maka-reposition ang Starlink, pero bihirang mangyari ito.
Puwedeng makaapekto sa serbisyo sa iyo ang naipon na sobrang kapal na yelo sa ibabaw ng Starlink mo. Kung ganap na natatabunan ang Starlink mo ng sobrang kapal na yelo, malamang na magresulta ito sa paputol-putol na koneksyon o walang serbisyo. Inirerekomenda naming i-install mo ang Starlink mo sa isang lokasyon na hindi matatabunan ng snow, o sa parte ng bahay mo na hindi naiipunan ng snow.
Mga Kaugnay na Paksa:
Hindi makita ang hinahanap mo? Makipag-ugnayan sa Support.