Maraming salik ang puwedeng maging dahilan para kumonsumo ng maraming data ang isang device sa WiFi network mo.
- May sumali sa Wi-Fi network mo: Kung bukas ang Wi-Fi network mo (wala itong password) o madaling hulaan ang Wi-Fi Password mo, posibleng may mga taong sumali sa Wi-Fi network mo at kumonsumo ng maraming data. Para maiwasan ito, siguraduhing magtakda ng hindi madaling hulaang WiFi password.
- Mga update sa background: Posibleng mag-download ang ilang device (tulad ng mga mobile phone o game console) ng malalaking update sa software o posibleng awtomatiko itong mag-update ng mga app sa gamit ang Wi-Fi. Tingnan ang mga setting ng device mo at hanapin ang mode na "Low Data" para limitahan ang paggamit ng background data sa pamamagitan ng WiFi.
- Iba pang update o malaking download: Posibleng napakalaki ng mga nada-download na pelikula at update sa mga video game na kung minsan ay lumalampas sa 100 GB.
- Speed test: Depende sa bilis ng network, posibleng kumonsumo ng hanggang ~1 GB o higit pa ang bawat speed test. Isasama sa kabuuang ginamit na data ang data na ida-download at ia-upload kapag nagsasagawa ng mga speed test.
- Mga device na gumagamit ng labis na data: May ilang sitwasyon kung saan hindi halatang nagpapadala ng diagnostic data ang ilang partikular na device (hal. mga smart TV o security camera) sa mga server na nasa background.
- Mga device na may malware: Sa ilang bihirang sitwasyon, posibleng may malware ang isang device sa network mo. Posible itong humantong sa matatagal na panahon ng malakas na pagkonsumo ng data ng nakompromisong device.
Gamitin ang Starlink app para tukuyin ang mga kahina-hinalang device sa network mo. Buksan ang screen ng "Network" at hanapin ang anumang hindi kilalang device. Puwede mo ring i-tap ang isang device para tingnan kung gaano karaming data ang nagamit nito sa nakalipas na 15 minuto.
Kung bukas ang Wi-Fi network mo o madaling mahulaan ang password mo, pag-isipang magtakda ng bagong Wi-Fi password sa "Mga Setting."