Kung nakatanggap ka ng email o text na hinihiling ang Starlink account email mo, numero ng telepono, password, o mga detalye ng pagbabayad, malamang hindi ito galing sa Starlink. Narito ang ilang tip para makatulong na makilala ang mga mensahe ng phishing at iba pang scam para mapanatiling secure ang account mo.
Ang mga tunay na email ay manggagaling sa "@starlink.com" na email domain nang walang anumang variation. Kung ang email address ng nagpadala ay hindi galing sa "@starlink.com", isa itong scam.
Hindi namin kailanman hihilingin sa iyo na ibahagi ang personal na impormasyon mo sa pamamagitan ng text o email, o sa telepono. Sa opisyal na website ng starlink.com o opisyal na iOS at Android application dapat ilagay ang impormasyon na kinakailangan para sa Starlink account mo. Kasama dito ang:
Kung nagli-link ang text o emaol sa isang URL na hindi mo kilala, huwag i-click ito. Kung na-click mo na, huwag maglagay ng anumang impormasyon sa bumukas na website.
Para i-verify ang pagiging totoo ng email o text, puwede kang mag-log in nang direkta sa account mo sa starlink.com/account o makipag-ugnayan sa amin.
Huwag mag-click sa anumang link o tumugon sa anumang mensahe. I-delete ang email o text at i-block ang nagpadala.
Para i-verify ang pagiging totoo ng email o text, puwede kang mag-log in nang direkta sa account mo sa starlink.com/account o makipag-ugnayan sa amin.
Hindi makita ang hinahanap mo? Makipag-ugnayan sa Support.