Mga halimbawa na humahantong sa paputol-putol na koneksyon:
- Mga nakaharang
- Pag-install sa labas ng service address
- Hindi wastong pag-install ng Starlink at/o paglalagay ng router
- Sira sa hardware at cable
- Mga third-party device
Mga inirerekomendang hakbang:
1: Pumunta sa Starlink App at tingnan kung may anumang makikitang alerto:
- Kung walang banner ng alerto na makikita sa Starlink App, magpatuloy sa hakbang 2.
2: I-reboot ang router at kumpirmahin kung nakakaranas ng paputol-putol na serbisyo ang lahat o ilang device:
*Kung ilang device lang, ilapit ang device sa router at tingnan kung magpapatuloy ang isyu. Kung magpapatuloy, magpatuloy sa hakbang 3.
- Kung lahat ng device, magpatuloy sa hakbang 3.
3: Inspeksyunin ang hardware para sa kahit na anong nakikitang pinsala:
- Suriin ang mga cable para sa mga gasgas, hiwa, at yupi. Kung naipit sa kahit na anong bahagi ng pinto at bintana, puwede itong magresulta sa masamang serbisyo.
- Suriin ang mga port kung may kahit na anong debris o pinsala.
- Kung walang nakitang sira, magpatuloy sa hakbang 4.
4: Alisin ang koneksyon ng anumang third-party hardware sa Starlink setup mo:
- Kung umayos ang serbisyo, ang third-party hardware na ginagamit mo sa setup mo ang ugat ng mga nararanasang kawalan ng koneksyon. Hindi namin magagarantiyahan ang quality performance ng serbisyo sa third-party hardware.
- Kung magpapatuloy ang pagkawala ng koneksyon, magpatuloy sa hakbang 5.
5: Kumpirmahing secure na naka-install ang dish ng Starlink kung saan hindi ito umuuga sa pag-ihip ng hangin:*
- Kung umuuga o gumagalaw ng Starlink mast sa pagka-install ng Starlink, inaasahang magkakaroon ng na-degrade na serbisyo. Pumunta sa starlink.com/shop para makita ang mga alternatibong opsyon sa mount.
- Kung secure ang pagka-install ng Starlink, magpatuloy sa hakbang 6.
6: I-click ang "Makipag-ugnayan sa Support" para magsumite ng support ticket na may sumusunod na impormasyon:
- Kung maaari, maglakip ng malilinaw na larawan ng pagka-install ng Starlink, pag-route ng cable, pagkalagay ng router, at anupamang larawan na sa palagay mo ay posibleng makatulong sa paglutas ng isyu mo.
- Direkta bang nakakonekta ang power ng Starlink mo sa isang outlet sa pader? Kung hindi, isama kung paano mo pinapatakbo ang Starlink mo.
- Kailan mo unang naaalala ang mga pagdiskonekta?
- Nagkakaroon lang ba ng mga pagdiskonekta habang gumagamit ng mga tiyak na program/application?
- Nagkakaroon lang ba ng pagkawala ng koneksyon sa ilang partikular na oras sa araw o tuloy-tuloy ito sa buong araw?