Ang paggamit ng tool na "Tingnan kung may mga Nakaharang" sa Starlink app para maghanap ng lokasyon sa property mo kung saan walang nakaharang ang pinakasimpleng paraan para ayusin ang mga pagkaantala na nauugnay sa nakaharang, at ilipat ang Starlink mo. Kapag ililipat ang Starlink mo, i-unplug at i-reboot ito.
Iba pang paraan para ayusin ang mga nakaharang:
*Puwede mong ganap na alisin ang nakaharang (tulad ng pagtatanggal ng sanga)
Kung hindi mo ligtas na mai-install ang Starlink kit o matatanggal ang mga nakaharang, huwag magpatuloy at humingi ng propesyonal na tulong. Tingnan ang Mga Tuntunin ng Serbisyo para sa iba pang detalye.
Paano kung bigla akong nakatanggap ng alerto na may nakaharang, pagkatapos ma-set up nang mahabang panahon nang walang anumang alerto?
Posibleng mawala ang ganitong banner ng alerto habang gumagaling ang Starlink sa pag-iwas sa mga nakaharang at natutukoy pa nito ang mga nakaharang sa paligid. Kabilang sa mga karaniwang bagong nakaharang ang:
Paano kung sinasabi ng app na "May Nakaharang" at madalas akong makaranas ng pagkaantala sa serbisyo?
Ipapakita ng Starlink app ang alertong ito kapag lubhang naaapektuhan ng mga nakaharang ang kamakailang performance. Posibleng maging madalas ito pagkatapos i-clear ang obstruction map, habang tinutukoy pa ng Starlink ang mga nakaharang sa paligid. Puwede ring nangangahulugan ito na may may materyal na naiipon sa Starlink o nahulog dito, pero bihira ito.
Kung nakakaranas ka ng mga isyu sa performance habang gumagamit ng high usage internet tulad ng gaming, maaaring kailangan mong umaksyon para i-adjust ang Starlink mo o ang mga nakaharang sa paligid.

Hindi makita ang hinahanap mo? Makipag-ugnayan sa Support.