Mga bagong customer:
Mga kasalukuyang customer na nag-activate ng mga karagdagang kit na binili sa isang retailer:
Mga kasalukuyang customer:
Update sa Service Plan ng Tulong kaugnay ng Hurricane
Mga Madalas Itanong
Puwede ko bang ipa-expedite ang order ko?
Paano naapektuhan ng lagay ng panahon ang serbisyo sa akin?
** Bilang paalala, nakaiskedyul ang mga service plan ng tulong kaugnay ng hurricane na awtomatikong lumipat sa may bayad na plan sa simula ng January 2025. I-review ang seksyon na "Update sa Service Plan ng Tulong kaugnay ng Hurricane" na nasa ibaba para sa iba pang detalye.**
Layunin ng Starlink na i-enable ang lahat na naapektuhan ng natural na sakuna na magkaroon ng access sa internet conectivity.
Para sa mga lugar na naapektuhan ng Hurricane Helene o Hurricane Milton, available ang Starlink at pansamantalang nag-aalok ng libreng serbisyo hanggang sa katapusan ng taon.
Kung naapektuhan ka ng Hurricane Helene o Hurricane Milton o kailangang mag-enable ng mabilis na tulong para tumugon sa mga komunidad na naapektuhan ng hurricane at gusto ma-access ang opsyon sa 30 araw na libreng serbisyo, sundin ang mga hakbang sa ibaba:
Tandaan: Sa mga lugar ng serbisyo lang na naapektuhan ng Helene o Milton makikita ang opsyon sa serbisyo na "Tulong kaugnay ng Hurricane". Kung hindi mo makita ang $0 na opsyon, hindi kuwalipikado ang inyong lugar. Kung naniniwala kang isa itong error, makipag-ugnayan sa support.
Tandaan: Pansamantala naming tinaasan ang limitasyon sa kit sa 12 kit kada residential account. Kung kailangan mong magdagdag ng mahigit sa 12 kit para sa tulong sa large-scale activation para sa mga grupong tumutugon sa emegency, makipag-ugnayan sa support para mag-request ng tulong kaugnay ng Hurricane.
Kung isa kang kasalukuyang customer na naapektuhan ng Hurricane Helene o Milton, gumawa ng support ticket para mag-request ng credit na tulong kaugnay ng Hurricane. Susuriin ng aming mga team ang pagiging kuwalipikado batay sa parehong mga naapektuhang lugar gaya ng nasa itaas.
Iba Pang Detalye
Patuloy naming ia-update ang article na ito kapag may pinakabagong impormasyon. Tingnan ang mapa sa ibaba para sa mga kasalukuyang kuwalipikadong lugar:
Bilang paalala, nakaiskedyul ang service plan mo ng Tulong kaugnay ng Hurricane na awtomatikong lumipat sa may bayad na plan sa simula ng January 2025. Awtomatikong sisingilin ang una mong bill sa susunod na petsa ng billing mo.
Sa anong service plan ako lilipat?
Ibabatay ang service plan sa kit na binili mo.
Alamin pa ang tungkol sa mga service plan dito.
Kailan mangyayari ang paglipat?
Awtomatikong sisingilin ang una mong bill para sa bagong service plan sa unang araw ng susunod mong billing cycle
Paano kung gusto ko ng ibang service plan?
Kung ayaw mo sa service plan na nakalista sa itaas, punan ang survey na ipinadala sa email mo para tukuyin ang alternatibong gusto mo bago sumapit ang January 1.
Kung hindi mo tutukuyin ang gusto mo hanggang January 1, awtomatiko kang ililipat sa plan na nakalista sa itaas.
Paano kung wala akong access sa account ko o natanggap ang Starlink kit ko mula sa isang 3rd party o isang donasyon?
Kakailanganin mong makipag-ugnayan sa Starlink Support para i-transfer ang kit sa isang bagong account.
Iba pang impormasyon
Sa kasamaang paad, hindi namin mae-expedite ang pag-deliver ng order sa ngayon. Sinisikap ng mga carrier na ma-deliver ang mga order mo sa lalong madaling panahon. Tingnan ang website ng FedEx para i-review ang pagkaantala ng active na serbisyo kaugnay ng Hurricane Helene at Milton dito.
Kung naapektuhan ang serbisyo ng sulat sa inyong lugar, baka kailangan mong umorder ng Starink papunta sa ibang shipping location kung saan mo puwedeng matanggap ang Starlink. Kung hindi mo pa nagagawa, umorder gamit ang isang service address at shipping address kung saan posible ang pag-deliver.
Inirerekomenda rin namin na pumunta ka sa inyong lokal na retailer, gaya ng Home Depot o Best Buy, para mabilis na makahanap ng mga kit. Posibleng may naka-stock silang Starlink at posible ring wala, kaya inirerekomanda naming itawag muna ang inyong lokasyon o alamin onlinr para ma-verify ang inventory. Puwede mong i-activate ang mga retail kit gamit ang Starlink.com/activate para ma-access ang libreng serbisyo.
Kung nasa lugar ka na dinadaanan ng malalakas na hangin ng bagyo, inirerekomenda namin ang sumusunod para i-minimize ang mga posibleng isyu sa hardware at pagkaantala sa serbisyo sa iyo:
Tingnan pa sa support article kaugnay ng lagay ng panahon dito.
Hindi makita ang hinahanap mo? Makipag-ugnayan sa Support.
Mga bagong customer:
Mga kasalukuyang customer na nag-activate ng mga karagdagang kit na binili sa isang retailer:
Mga kasalukuyang customer:
Update sa Service Plan ng Tulong kaugnay ng Hurricane
Mga Madalas Itanong
Puwede ko bang ipa-expedite ang order ko?
Paano naapektuhan ng lagay ng panahon ang serbisyo sa akin?