Ano ito? Ang two step verification ay isang karagdagang hakbang sa seguridad na ginagamit ng Starlink para tulungang protektahan ang account mo. Dagdag pa sa password mo, kakailanganin mong i-verify ang pagkakakilanlan mo gamit ang passcode na ipinadala sa email o numero ng telepono mo. Hindi ka tatawagan o ite-text ng Starlink para hingin ang passcode na ito. Huwag itong ibahagi sa kahit sino.
Bakit namin ito ginagawa? Para tumulong na panatilihing mas secure ang account mo at ikaw lang ang makaka-access sa account mo!
Kailan ito mangyayari? Kapag nagsa-sign in, pinapalitan ang impormasyon ng account mo, o nagdaragdag ng user sa account mo, ipa-prompt ka na ilagay ang verification passcode mo.
Nag-expire na ang passcode ko:
- Kung nag-expire na ang mga passcode mo, humingi ng bagong passcode.
- Kung napakarami mo nang hiniling na passcode, maghintay ng 15 minuto bago makahiling ng bagong passcode.
Nag-sign in ako sa account ko pero hindi nakapag-verify:
- Kung mali ang nailagay mong passcode, subukan ulit. Mag-request ng bagong passcode kung hindi pa rin nakapag-verify.
- Kung may access ka sa orihinal mong email, i-click ang "ipadala ulit ang passcode" at tingnan ang spam folder sa email.
- Kung wala kang access sa orihinal mong email, ipadala ulit ang passcode gamit ang SMS.
- Kung wala kang natanggap na SMS, tiyaking hindi naka-block ang mga cookie sa telepono mo.
- Kung nagkakaroon ka pa rin ng mga isyu, magsumite ng support ticket para sa tulong.
Nag-sign in ako sa account ko pero hindi nakapag-verify:
- Kung mali ang nailagay mong passcode, subukan ulit. Mag-request ng bagong passcode kung hindi pa rin nakapag-verify.
- Kung alam mong may ibang tao na may access sa email o numero ng telepono mo, subukang [mag-recover ng password] (https://www.starlink.com/auth/forgot-password).
- Kung nagawa mo na ang nasa itaas sa email at SMS, makipag-ugnayan sa support sa iba pang paraan dito.
- kung wala kang natanggap na SMS, tiyaking hindi naka-block ang mga cookie sa telepono mo.
Nakapasok na ako sa app pero hindi nakapag-verify:
- I-update ang app mo sa pinakabagong bersyon at subukan ulit.