Kung gusto mong magtanong tungkol sa deposit/pre-order status mo, sumangguni sa gabay sa ibaba:
** Nag-place ako ng pre-order na may deposit fee, at naghintay ako nang mahigit isang buwan nang hindi nakakatanggap ng anumang karagdagang notification. Puwede ba akong makakuha ng update?**
- Kung hindi pa nakumpirma ang pre-order mo, ibig sabihin, nasa waitlist ka pa rin, at hindi kami makapagbibigay ng serbisyo sa address mo sa ngayon. Kapag available na ito at ikaw na ang next in line sa waitlist, makakatanggap ka ng email na nagsasaad na magiging order na ang deposit mo.
Mayroon bang anumang pagtatantya kung kailan makukumpirma at maipapadala ang pre-order ko?
- Sa ngayon, wala kaming partikular na petsa kung kailan kami makakapagbigay ng serbisyo sa inyong address.
- Inirerekomenda naming tingnan mo ang aming mapa ng availability ng Starlink para i-review ung kailan magiging available ang serbisyo. Tandaan: Puwedeng magbago ang availability ng serbisyo.
Saan ko mahahanap ang pre-order ko?
- Makikita mo ang preorder reservation sa billing tab kapag nag-log in ka sa account mo. Tandaan, hindi nakalista ang pre-order sa ilalim ng "Mga Order Mo".
Kung nakatanggap ka ng abiso sa email (Paksa ng Email: "Handa na ang Starlink mo! Kumpirmahin ang order mo sa loob ng susunod na 7 araw") para kumpirmahin ang preorder mo ng Starlink, mayroon kang 7 araw mula sa petsa ng abiso sa email na "Kumpirmahin ang Order Mo" para kumpirmahin ang order mo ng Starlink Kit sa pamamagitan ng pagsunod sa gabay sa ibaba. Kapag hindi mo kinumpirma ang order mo sa loob ng inilaan na takdang panahon, awtomatikong kakanselahin ang deposito mo at ire-refund nang buo.
Wala akong Starlink
- Buksan ang email na "Kumpirmahin ang Order Mo"
- Pindutin ang "Kumpirmahin ang Order Ko" sa loob ng email. Dadalhin ka nito sa sa Home Page ng Account mo para mag-log in sa Starlink account mo.
- Pindutin ang "Mag-check Out Ngayon" sa ilalim ng seksyon na "Mga Deposit"
- Sa kanang bahagi sa itaas ng page, kumpirmahin ang service plan mo, Starlink Residential o Starlink Roam/Travel, at i-verify ang Service Address mo gamit ang icon na lapis
- Pumili ng mga opsyonal na accessory at pindutin ang "Idagdag sa Cart"
- I-verify na tama ang Shipping Address at Paraan ng Pagbabayad
- Pindutin ang "Umorder" (ia-activate kaagad ang serbisyo sa iyo at ia-apply ang deposit mo kapag umorder ka)
Mayroon na akong Starlink

- Pindutin ang "Mayroon na Akong Starlink" at ilagay ang Starlink Identifier
- Pindutin ang "Umorder" (ia-activate kaagad ang serbisyo sa iyo at ia-apply ang deposit mo kapag umorder ka)
Kung na-activate mo na ang Starlink sa ibang serbisyo pero gusto mong gamitin ang Starlink hardware sa preorder na ito, kanselahin ang isa pang linya ng serbisyo kung nasaan ang Starlink, i-transfer ang hardware mo ayon sa gabay sa pag-transfer sa ibaba, at i-activate ito ayon sa mga instruction sa itaas sa ilalim ng "Mayroon na Akong Starlink." Para sa mga karagdagang detalye, bisitahin ang Paano i-transfer ang pag-aari ng Starlink hardware ko?.