Para sa mga customer ng Enterprise, puwede mo nang palitan ang service plan gamit ang dashboard o API kapag active na ang linya ng serbisyo.
Para i-update ang produkto ng isang linya ng serbisyo gamit ang dashboard, sundin ang mga hakbang sa ibaba:
Para i-update ang produkto ng isang linya ng serbisyo gamit ang API, sundin ang mga hakbang sa ibaba:
Para sa detalyandong impormasyon, sumangguni sa aming readme.io documentation. Puwedeng magbigay ang account manager mo ng password para sa pag-access sa aming dokumentasyon.
Tandaan: Ibinibigay ang API access sa mas malalaking business customer para pamahalaan ang mga account, user terminal, at serbisyo.
Paglipat sa mas mahal na plan: Magkakabisa kaagad ang access sa na-upgrade na service plan at sisingilin ka ng mas mataas na presyo simula sa araw na in-upgrade mo ang plan. Makikita sa buwanang invoice mo ang pagkakaiba ng pro-rated na buwanang presyo para sa na-upgrade na plan at ang natitirang araw ng billing cycle mo.
Paglipat sa mas murang plan: Mananatili ang kasalukuyan mong service plan hanggang sa matapos ang billing cycle mo. Magkakaroon ka ng access sa na-downgrade na service plan sa simula ng susunod mong billing cycle. Kung may natamo na singil sa overage mula sa nakaraan at bagong service plan, sisingilin ito sa iyo sa invoice para sa susunod na billing cycle. Sisingilin ka ng mas murang presyo ng buwanang serbisyo para sa na-downgrade na service plan sa simula ng susunod mong billing cycle.
Paglipat sa plan na may parehong presyo: Magkakabisa kaagad ang access sa service plan. Hindi magbabago ang presyong makikita sa buwanang invoice.
Pag-pause o pagkansela ng service plan: Mananatiling active ang isang na-pause o kinanselang service plan hanggang sa katapusan ng kasalukuyang billing cycle. Kung ni-reactivate ang nasabing service plan pagkalipas ng ilang panahon, magiging pro-rated ito na gaya ng isang bagong gawang service plan.
Pagkonsumo ng Local Priority at Global Priority data: Magkakabisa ang pagtaas ng buwanang data sa simula ng susunod mong billing cycle. Makikita ang mga singil sa Top-Up data sa invoice ng susunod na buwanang billing cycle, kasama ang mga naaangkop na buwis. Hindi naro-rollover sa susunod na buwanang billing cycle ang hindi nagamit na Top-Up Data. Hindi ire-refund o ike-credit ang hindi nagamit na Top-Up Data.
Hindi makita ang hinahanap mo? Makipag-ugnayan sa Support.