Para humiling ng refund sa ibang bank account, makipag-ugnayan sa bangko ng isinarang account para makakuha ng opisyal na sulat na nagkukumpirma sa pagsasara ng account. Magbukas ng support ticket at i-attach ang sulat.
Para isaalang-alang ang sulat, siguraduhing makikita sa sulat ang sumusunod. Kung may anumang nawawalang impromasyon, tatanggihan o maaantala ang imbestigasyon.
• Kailangang naka-print ang sulat nang may letterhead ng bangko, na may impormasyon ng customer, may lagda at may stamp.
• Kailangang ihayag ng sulat na: a) Isinara na ang account b) Ni-reject na ang refund
Kung hindi ka makakapagbigay ng sulat, makipag-ugnayan sa Customer Support para sa karagadagang tulong. Maging handa na ibigay ang mga detalye ng bagong account (pangalan ng bangko, account number, at routing number).
Tandaan, tatagal nang 3–4 na linggo ang proseso sa pag-iimbestiga ng refund nang walang opisyal na sulat mula sa bangko.
Mga Kaugnay na Paksa:
Hindi makita ang hinahanap mo? Makipag-ugnayan sa Support.