Kung naihatid na ang Starlink mo, naninirahan ka sa US o Canada at kabilang sa kuwalipikadong grupo ng tax exempt, magsumite ng support ticket na may impormasyon sa ibaba.
MAHALAGA: kailangang tumugma ang pangalan sa isinumite mong dokumentasyon sa pangalan sa account mo. Kung hindi, hindi namin mapoproseso ang exemption.
CANADA: Kung tax exempt ka bilang bahagi ng First Nations tribe, i-upload ang kopya ng harap at likurang bahagi ng kasalukuyan mong First Nation ID card.
UNITED STATES: Ibigay ang sumusunod:
- Ang exemption certificate sa sales tax ng state mo at iba pang dokumentasyon ayon sa hinihingi ng Department of Revenue ng state mo.
- Mga government entity, non-profit organization, negosyo, o iba pang institusyong may exemption sa buwis: Patunay ng pagbabayad na direktang ginagawa ng entity/organization (hal., purchase order, larawan ng harapan at likurang bahagi ng ginagamit na credit card na may exempton sa buwis, nilagdaan at may-petsang statement na nagsasaad na direktang nagbayad ang entity/organisasyon, atbp).
- Tandaan: Hindi mapoproseso ng Starlink ang mga request para sa exemption sa buwis ng mga government entity, non-profit organization, negosyo, o iba pang institusyong may exemption sa buwis gamit ang isang Residential account. Tingnan ang aming kapaki-pakinabang na paksa ng support na I-transfer ang Starlink para gumawa ng bagong Business account na may business tax ID gamit ang kasalukuyan mong Starlink equipment.
** Patakaran sa pag-refund ng buwis:**
Simula ika-21 ng Hulyo 2023, na-update na ang tax refund period. Awtomatikong ipoproseso ng Starlink ang mga refund ng buwis sa oras ng request para sa exemption sa buwis, ayon sa bawat sumusunod na mga alituntunin:
- UNITEDSTATES: Ire-refund ng Starlink ang mga naaangkop na buwis na binayaran kung isinumite ang request sa exemption sa loob ng 60 araw mula sa petsa ng pag-order ng Starlink mo.
- CANADA: Hinihikayat ka naming direktang magsumite ng tax exemption mo pagkatanggap ng Starlink kit mo. Ire-refund ng Starlink ang mga naaangkop na buwis na binayaran sa huling 180 araw.
Kapag na-validate na ang exemption mo, ire-refund ang naaangkop na halaga ng buwis sa orihinal na paraan ng pagbabayad mo. Magbigay ng hanggang 15 araw bago makita ang refund sa financial institution mo.
Inilalaan ng Starlink ang karapatan, sa sarili nitong pagpapasya, na tanggihan ang kahit na anong request para sa exemption.